Advertisers

Advertisers

Tribu ng Ata Manobo hihingin tulong ng tribe NBI at PNP para mahanap ang bangkay ni Bae Bibyaon Bigkay

0 18

Advertisers

Dudulog sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang Tribu ng Ata Manobos, mula sa Talaingod, Davao del Norte, upang mahanap ang labi ng kanilang nakakatandang lider na si Bae Bibyaon Bigkay na ginamit lamang ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA -NDF) sa kanilang mga agenda.

Ito ang isiniwalat nitong Martes (March 12, 2024) ni Datu Bawan Jake Lanes, Executive Director NH Mindanao IP Council of Elders, at ng iba pa niyang ka-tribu sa virtual press conference ng Integrated Communications Operations Center (ICOC), the media bureau of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sinabi ni Lanes, hanggang sa ngayon ay di pa nila mahanap ang labi ni Bibyaon, na pinaniniwalaan nilang nailibing na, sa Antipolo City, Rizal ng mga humawak sa kanyang mga CPP,-NPA-NDF members. Nabalitaan nila aniya ang pagka-matay ni Bibyaon sa isang Facebook post.



Bukod sa NBI at PNP, sabi ni Lanes sila rin ay dudulog Department of Justice (DOJ) at Commission on Human Rights (CHR) upang imbestigahan ang pangyayari sa paglilibing ng bangkay ng kanilang pinakamamahal na nakatatandang katribu.

“Tama po ‘yon, through DOJ at after po nung CHR, ito po yung iniisip namin yung mga investigating agency o security sector natin na pwede makatulong like the NBI, the PNP para po maimbestigahan kung saan talaga nila ito inilibing”, pahayag ni Lanes.

“Sana matulungan kami sa paghahanap namin ng katarungan sa bangkay, sana matulungan kami. Yung nga ang problema ng pamilya talaga kaya sila dumulog sa Mindanao IP Council of Elders (MIPCEL) at sa CHR dahil nga po inilibing si Bae Bibyaon na malayo sa kanila at hindi din po siya ipinakita nung buhay pa siya,” dagdag pa niya.

Si Datu Benito Bigkay, pamangkin ni Bibyaon ay nagsabi naman na kaya sila narito sa Manila ay para matuloy ang pinaglibingan ng kanilang katribu.

“Kami po ay nananawagan kay Vice President Sara na sana makauwi si Bae Bibyaon kahit yung mga buto na lang po,” ang kanyang pahayag.



Pinaki-kiusapan niya si Vice President Sara, na sila ay tulungan kahit buto na lamang ni Bibyaon ang kanilang matagpuan.

Si Rurelyn Bay-ao, pamangkin din na babae ni Bae Bibyaon, ang umaoila sa media na sila ay tulungan, at sa mga humawak sa kanyang tiya na sabihin sa kanila kung saan nila ito inilibing upang maiuwi nila ang kanyang bangkay.

Si Bay-ao, na dati rin supporter ng mga komunistang-terorista fang siyang kasa-kaesma ng kanyang tiyahin mula pa noong 2014 sa Bakwit School sa Davao City, Bakwit School sa UP Diliman, at Lakbayan ng Pambansang Minorya.

Nagsilbi siyang ‘translator’ ng matanda sa anumang aktibidades na inorganisa ng mga communist front organizations (CFOs) para makalikom ng pondo.

Pinangakuan nga raw siya ng mga ito na makakapag-aral ng kahit anong kurso sa UP na fi naman natupad.

“May naitulong po ba yung Save Our School Network (SOSN) o yung mga nasa kabila sa amin noon? Ang katunayan po ay wala bagkos po nagdala ng malaking problema sa aming kultura at sa aming komunidad at tribo kaya po kami nandito kasi isa na po si Bae Bibyaon sa kanilang pinagsamantalahan at ginamit” paglalahad ni Bay-ao.

Samantalang, ang taga-pagsalita ng Mindanao IP Youth Organization (MIPYO) na si Bae Anna Jessamae Crisostomo ay nagbabala sa kanyang mga kapwa IP youth na huwag nang paloloko sa mga komunistang-terorista.

“Huwag po ninyong sirain yung gain na ginawa ng NTF-ELCAC, sila po ang nagbigay sa amin ng pag-asa upang makita po namin ang tunay na liwanag po sa dilim at madugo naming karanasan sa aming ancestral domain sa kamay ng (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front),” ang paki-usap ni Crisostomo.