Advertisers

Advertisers

ETO NA MGA DRE’

0 311

Advertisers

Ni BKC

ETO NA MGA DRE’. Red Horse Beer, ang pinaka-astig na beer, ay handa nang rumakenrol para sa 2019 Pambansang Muziklaban Finals. Naantala noong Abril, ang taunang rock fest ay dadagundong sa magkakasunod na Sabado upang koronahan ang mga magiging bagong hari ng Pinoy rakenrol.

Pagkalipas ng ilang buwang pag-aalinlangan, magtatapos ang taon na puno ng matitinding rakrakan habang maglalaban-laban ang pinaka-magagaling na banda sa buong bansa para makamit ang titulo. Upang maki-ayon sa panahon, inilipat ng Red Horse Beer ang kanilang entablado online at ipalalabas ang tugtugan ng mga Muziklaban finalists at mga Red Horse Beer evangelist bands sa kanilang Facebook page (www.facebook.com/redhorsebeermuziklaban) sa Nobyembre 21, 28, at Disyembre 5, 2020.



Para maging “extra strong” ang dating, gumawa ang Red Horse Beer ng “Virtual Slaman” na matutunghayan ng mga fans ang palabas sa isang eksklusibong Zoom room kasama ang iba pang mga ‘slamero’ at ‘slamera’. Pipili ng Slamero of the Night na siyang mananalo ng Red Horse Beer merchandise at iba pang premyo mula sa Macbeth.

Lalo pang pina-astig ng Red Horse Beer ang laban ngayong taon sa pamamagitan ng pagdagdag ng wild card slot sa parehong kategorya ng LAKAS (hard rock) at AKLAS (alternative rock). Tumaas ngayon ang bilang ng mga banda sa 12 na banda, kumpara sa 10 noong nakaraang taon.

Isa pang dinagdag sa Pambansang Muziklaban Finals ay ang pagkakataong bumoto ng mga rakista para manalo ang kanilang sinusuportahang finalist ng Repa’s Choice Award. Tig-isang  banda mula sa kategorya ng LAKAS at AKLAS ang mananalo at mag-uuwi ng Php50,000.

 

Sa Nobyembre 21, ang Atthismo ng Bulacan, Pahina ng Metro Manila, Mildskill ng Laguna, We the Dying ng Iloilo City, Moawh ng Davao, at ang wild card entry na Switchblade ng Metro Manila ay magdadala ng hebigat na rakrakan upang maiuwi ang titulo ng LAKAS.



Pagdating ng Nobyembre 28, ang Project Roots ng Nueva Ecija, Molay ng Metro Manila, Pikaso and the Ritos ng Batangas, Errorcheck ng Cebu, Cross T26 ng Davao, at ang wild card entry na Blancsugar ng Cebu ay tutugtog upang mapanalunan ang kampeonato ng AKLAS.

Sa Disyembre 5, tuluy-tuloy ang rakrakan habang tututog ang mga Red Horse bands bago pangalanan ang mga kampeon ng 2019 Pambansang Muziklaban. Ang mga mananalo ng Red Horse Beer Pambansang Muziklaban LAKAS at AKLAS ay makatatanggap ng Php500,000 mula sa Red Horse Beer at karagdagang Php25,000 at iba pang apparel mula sa Macbeth.

Iba ang tama ng Pambansang Muziklaban dahil kasama sa proseso ng kumpetisyon ang mga evangelist bands ng Red Horse Beer. Binansagang “Building a Rakista,” una itong ginawa noong 2015 upang matulungan ang mga banda na makamit ang kanilang potensyal bilang mga musikero.

Sa pamamagitan nito ay sumasailalim ang mga banda sa isang ‘make-over’ na nagiging tulay upang mapagpabuti nila ang kanilang imahe at husay sa pagtugtog.

 

Ginawa sa pamamagitan ng Zoom, ang mga finalists ng LAKAS ay ginabayan ng mga Red Horse Beer evangelist bands na Slapshock, Greyhoundz, Wilabaliw, at Chicosci. Sa kabilang banda, ang mga finalists naman ng AKLAS ay nakatanggap ng payo mula sa mga bandang Mayonnaise, Kjwan, at Razorback.

 

Upang lalong ma-enjoy ang extra strong Red Horse rakrakan, umorder na ng Pambansang Muziklaban Starter Pack promo. Bumili ng isang (1) six-pack ng Red Horse Beer sa 8632-BEER, SMBDelivers.com, Boozy.ph, at sa online store ng San Miguel na The Mall upang makatanggap ng isang (1) free Red Horse Beer Shirt.

Bumili pa ng mas maraming Red Horse Beer upang makakuha ng pagkakataong makasali sa Beertualnuman. Isang (1) case ng Red Horse Beer ay katumbas ng isang (1) raffle entry upang makasali sa virtual meet and greet kasama ang mga rock idols na Greyhoundz, Wilabaliw, Chicosci, Mayonnaise, Kjwan, at Razorback.

Astig ka ba ‘dre? I-check ang details ng mga promo at abangan ang updates sa Red Horse Beer Muziklaban Facebook page (www.facebook.com/redhorsebeermuziklaban). Rak on! #ItoAngTama #RHBMuziklaban.