Advertisers
PINIRMAHAN na ng Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Trabaho Para sa Bayan Act na naglalayong matugunan ang mga hamon na kinakaharap ng labor sector sa bansa.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang pag-apruba ng IRR ay sumasalamin sa commitment ng Marcos administration para sa holistic at cohesive approach tungo sa pag-develop ng isang matatag na bansa at ekonomiya.
Ayon pa sa kalihim, ang nasabing batas ay mayroong pagkilala sa prinsipyo ng tripartism, consultation at social dialogue.
Patunay din aniya ito na bahagi ng konseho ang kinatawan ng marginalized at vulnerable sector, informal sector, labor organization at employers organization.
Nilagdaan ni Laguesma ang IRR kasama si NEDA Sec. Arsenio Balisacan at DTI OIC Ceferino Rodolfo noong Marso 12.
Layunin ng Trabaho sa Bayan Act na mapagbuti ang earning potential ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pag-enhance ng employability, kalidad ng trabaho at pag-establish ng collaborative labor market governance system.