Advertisers

Advertisers

Elijah nagdalawang-isip pa sa pagtanggap sa ‘Batang Quiapo’; ‘It’s Showtime’ game na sa pagpalit sa ‘TP’ sa Siyete

0 9

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

FROM an ABS-CBN insider ay nalaman naming “on going” ang negosasyon sa posibilidad na paglipat ng “It’s Showtime “ sa GMA7.

Kung magiging positibo ang pag- uusap between management ng GMA at mga namamahala ng  “It’s Showtime” ay sa Kapuso channel na mapapanood ang nasabing programa hosted by Kapamilya hosts Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis at iba pa, huh!



Kung matutuloy na ang “It’s Showtime na ang ipapalit sa natsugi na sa ere na “Tahanang Pinakamasaya,” tuluy-tuloy pa rin ang labanang “Eat Bulaga” at “It’s Showtime” para sa pagiging number one noontime show” huh!

Samantala, last Monday sa naturang noontime show ng Kapamilya channel ay may pahiwatig si Vice sa mga viewers nila sa nakatakdang paglipat ng “Showtime” sa Kapuso.

May binanggit kasi si Vice habang naghihintay ang host na “the best days” na nagbibigay ng hint sa lahat sa maaring paglipat nila sa Kapuso network, huh!

Ayon pa sa source namin na konting kembot na lang daw ay malalaman ng lahat kung anong programa ang ibabangga ng Siyete sa “Eat Bulaga”, huh!

***



NAGDALAWANG isip noon ang aktor na si Elijah Canlas na tanggapin ang  role para sa number one primetime serye na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Mahigit isang buwan na ngayong napanonood ang karakter niya na kung hindi raw niya tinanggap ay malamang pagsisihan niya, huh!

“Honestly, there was a different role offered to me. It’s a kind of role I’ve done before kaya I really thought hard about it even if I really wanted to join “Batang Quiapo”, sey niya.

Dagdag ng aktor ang ganda ng mga feedback na nakarating sa kanya ng mga kasamahang naging part ng serye.

“Nung una I was hesitant pa and I was so honored kasi Kuya Coco thought of a role for me as Pablo Caballero, “ saad pa ni Elijah.