Advertisers

Advertisers

Kabobohan

0 804

Advertisers

HINDI na sana namin papansinin ang palitan ng maanghang na sex joke sa pagitan ni Rodrigo Duterte at mga kamiting na opisyales na ipinalabas noong Linggo sa Camarines Sur. Ngunit biglang pumasok si Harry Roque na pilit na binigyang katarungan ang biruan. Paraan umano ni Duterte para mabawasan ang mga pressure ng gawain, aniya.

Nagulat kami sa sinabi ni Roque. Pressures of work? Bakit nagtrabaho ba ng presidente niya? Hindi nga nahagilap si Duterte sa gitna ng matinding kalamidad. Palaging naglalaho kapag may krises ang bansa. Hindi lider pangkrisis ang pangulo niya.

Buwang si Harry Roque. Walang respeto iyong kaklase niya sa hayskul na si Dante Zamora, isa rin kolumnista ng pahayagan na ito. Tinawag niyang “Haring Siyoke” si Roque.



Hindi nakakatuwa ang palitan ng sex joke ni Duterte at isang kongresista (huwag ng banggitin ang pangalan para hindi sumikat). Hindi biro ang hampas ng bagyo at baha sa probinsiya ng Isabela at Cagayan nang magbiruan sila. Hindi namin maunawaan kung bakit nakuha pa nilang magbiro samantalang libo-libo ang nasalanta ng mga bagyo.

Mistulang mga wala silang pakiramdam sa gitna ng krises. Walang ipinakita si Harry Roque kundi ang kanyang kabobohan at kawalan ng pakiramdam sa mga nasalanta.

***

MAY mga netizen na nagtanong sa amin kung sino ang dapat sisihin sa kontrobersiya sa 2019 Southeast Asian Games. Hindi biro ito sapagkat napakalaki ng halaga ng salapi ng taongbayan sa isyung ito. Kaya ang tanong: sino-sino ang mga nagsabwatan sa isyung ito? Paano sila nagsabwatan. Ano ang epekto ng kanilang pagsasabwatan?

Hindi maaalis na sabihin na nagsabwatan sina Alan Peter Cayetano, Kin. Abraham “Bambol” Tolentino ng Cavite at pangulo ng Philippine Olymnpic Committee (POC), at William “Butch” Ramirez, chair ng Philippine Sports Commission (PSC). Huwag rin kalilimutan si Tito Sotto bilang kanilang kasapakat.



Pakana ni Cayetano ang sabwatan na naging isang malaking kontrobersiya. Matapos hirangin noong 2018 si Cayetano ni Duterte bilang chief organizer ng 2019 SEAG, binuo ni Cayetano ang Philippine SEA games Organizing Committee (Phisgoc), isang pribadong foundation na nangasiwa sa pagdaraos ng 2019 SEAG. Nakipagkasundo ang Phisgoc sa POC at PSC na magsusumite ng financial report tungkol sa ginastos sa SEAG.

Dapat isumite noong ika-9 ng Febrero ang financial report, ngunit lampas siyam na buwan na pero hindi pa rin naisumite ito ng pangkat ni Cayetano. Hindi gumalaw si Ramirez at Tolentino. Kahi minsan hindi nila hiningi kay Cayetano na isumite ang financial statement.

Ngunit nang bumagsak sa poder si Cayetano at tanggalin ng mga kasamang mambabatas bilang ispiker, nagkaroon ng lakas ng loob ang isang grupo ng sports leader at hiningi na isumite ang financial report. Hindi pinansin ni Cayetano ang hiling.

Nagsampa ng isang civil complaint ang mga sports leader upang obligahin na isumite ang ginancial report. Dito pumasok si Tito Sotto na kumampi kay Cayetano

Sa ganang kanya, nagkampeon naman ang Flipinas sa SEAG kaya hindi okay lang ang hindi magsumite ng financial report. Hindi iyan okay sapagkat bilyon piso ang pera ng sambayanan na ginamit sa SEAG. Natural lamang na ipaliwanag ng maayos kung ginamit ng wasto ang pera na nanggaling sa kaban ng bayan.

Kaya nagkampihan ang mga maituturing na mapagsamantala sa bayan. Hanggang hind nausumite ang financial report at ipinaliwanag ang paggastos sa pera ng bayan, hindi maayos ang isyu. Itaga sa bato.

Pero mas maigi na lumabas na lang ang mga pulitiko sa larangan ng palakasan. Hindi naman sila kailangan. Kapag pumasok sa palakasan ang pulitiko, dalawa lang ang dahilan: pasiglahin ang kanilang political career, o magnakaw.

***

TULUYANG nagkaloko-loko na ang sistemang edukasyon ng bansa. Dalawa ang dahilan: una, hindi kinakaya ng imprastraktura ang distance learning; at pangalawa, sinira ng mga bagyo ang mga pasilidad para sa edukasyon. Napilitan magdeklara ng academic break ang maraming paaralan. Mukhang hindi na maayos ang takbo ng mga paaralan sa maraming lugar.

Sa mga lalawigan sa Kabikulan at maging sa Cagayan Valley, maraming paaralan ang nagdeklara ng academic break upang isaayos ang kanilang mga pasilidad. Maaaring umabot sa Enero ang pasukan kahit distance learning ang kanilang ginagawa. Sa Marikina City, sa Enero na ang pagbubukas ng mga paaralan.

Mukhang kailangan na totoong talakayin ng mga opisyales ng Deped at CHED ang kahihitnan ng sistemang edukasyon ng bansa. Hindi maaari na magpatumpik-tumpik sila. Kailangan matugunan ang pangangailangan ng maaayos na serbisyong Internet sa pagbabalik ng mga paaralan. Kailangan maging puspusan ito.

***

HINDI namin maintindihan kung bakit inabot ng ilang araw ang National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) upang irekomenda ang pagdedeklara ng state of calamity sa buong Luzon. Mukhang mabagal ang NDRRMC sa paggawa ng assessment sa pinsala inabot ng Luzon sa sunod-sunod na dating ng anim na bagyo sa buwan ng Oktubre at Nobyembre. Mukhang kulang sa bangis ang ahensiya sa paggawa ng assessment.

May mga susunod pa na bagyong darating ayon sa PAG-ASA. Aabot sa apat pang bagyo ang maaaring dumating bago matapos ang taon na ito. Kailangan pag-ibayuhin ng ahensiya ang kakayahan sa assessment ng mga pinsala na aabutin sa kalamidad na dala ng bagyo.

***

MGA PILING SALITA: “The PHL sports community is getting messy. Sports leaders are now in a big fight among themselves. Bambol Tolentino obviously does not understand the issue is integrity. If he has some sense of decency, he should withdraw – ASAP. His integrity is being questioned by his fellow sports leaders. A group of recalcitrant sports leaders have asked for his disqualification before the POC, of which he is the current president. His opponents have contended that he allegedly received emoluments from Philippine Southeast Games Organizing Committee, which his political ally ousted speaker Alan Peter Cayetano had formed to manage and organize the 2019 Southeast Games (SEAG). His opponents have claimed in their signed disqualification letter that Bambol Tolentino, by his act of receiving emoluments from Phisgoc, had violated the rules of the International Olympic Committee (IOC), of which the Philippines Olympic Committee (POC) is a member.” – PL, netizen