Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
IKINUWENTO ni Iza Calzado ang maiinit na love scene nila ni Jameson Blake na mapapanood sa iWantTFC na magsisimula sa November 18.
Bongga ang tawag ni Iza sa umaatikabong eksena nila ni Jameson na Baba ang kanyang tinawag.
Sabi pa ni Iza, wala siyang hesitation or pagsisisi sa mga ginawang eksena.
“I didn’t have any hesitation. It`s also part of my journey in accepting my body and of me embracing my role. My husband is also very supportive of all my projects and I`m really grateful because it gives me so much freedom,” say ni Iza.
Ibang level daw ang ginawa nilang love scene ng young actor.
Tulad ni Iza ay game ring sinagot ni Jameson ang tanong kung anong karanasan ang naramdaman niya kay Iza.
“I had to look at her as my lover in order to bring out my emotions. I didn’t have a hard time with her and I think it worked well. There was one scene that we did and I think it felt real so we did a good job in portraying that.”
Wala talagang pakialam si Iza sa mga ginawa kesehodang makita pati ang kanyang stretch marks sa katawan. Kaya naman paulit-ulit ang pasasalamat niya sa kanyang husband na si Ben Wintle na walang paki sa kanyang artistic soul.
Ayon pa kay Iza, hindi raw magiging masaya ang buhay niya kung naging pakialamero ang kanyang pinakasalan.
Hindi lang makapaniwala si Iza na ang probinsyang (Cagayan) kanilang pinag-shootingan last year ay halos lumubog sa tubig dahil sa bagyong Ulysses.
Kakaibang Iza ang mapapanood o masasaksihan sa series nila ni Jameson na ang tema ng kuwento ay May-December affair.