Advertisers

Advertisers

Nadine inamin, insecure sa pagiging morena; Claudine at Sabrina M patalbugan pa rin kay Rico

0 9

Advertisers

Ni BETH GELENA

MAY insecurity rin pala si Nadine Lustre sa sarili.

Aniya, noon daw ay insecured siya sa kanyang kulay, ang pagiging “morena.”



Aniya: “I think when I was about 13, people would say that I was too dark. When I would go to auditions, where they would only cast girls who are mestiza, or have lighter skin, it became an insecurity of mine.”

Dagdag pa ng award-winning actress: “Darker skin is not beautiful.”

But despite the fact, niyayakap na niya umano ang gifted beauty dahil ang dami niyang award na napapanalunan at dahil iyun sa kanyang morena color na akma sa mga proyektong ginagawa.

Sa kanyang Instagram ay may posted video and Hiraya Filipina kung saan ang dalaga ang kanilang modelo.

Sey ng Hiraya Filipina: “She’s a powerhouse, a trendsetter, and an icon in her own right.



“We’re thrilled to announce that our FIRST EVER Brand Ambassador is none other than… Ms. President herself, Nadine Lustre.

“Together with Nadine, we join forces to encourage Filipinas to embrace their own skin and be proud of their identity.

“Ating ipagmalaki ang pagiging Pilipina.

“Ating ipagmalaki ang pagiging Hiraya Pilipina.”

May napansin  ang isang commenter sa kasuotan ng aktres: “but why does the bra look stitched with fine mesh?”

“It’s not. That’s a self sticking nipple/boob cover. I have one.”

“Perhaps their actual products is, but Nadine’s clearly wearing it with the mesh. Should’ved advertised it as it is.”

“Saan ba lol. May nakikita kang d namin nakikita? Bka ung tattoo sa gilid ng boobs niya ung nakikita mo, “ego manila.”

Ang young actress na si Xyriel Manabat ay nagkomento ng clap at fire emoji sa larawan ni Nadine.

“One of the best things about Nadine, she loves supporting local brands that showcase the Filipina beauty.”

“Nadine is the epitome of the Filipina beauty.

” Nadine Lustre mas inuuna ang iyong mga local brands and support who she find deserve to be recognized! Bilib talaga ako sa ugali neto ni Madam pinangangalandakan nya tlaga na ang pinay morena at mas maganda yong mahalin ang sariling atin. Salute sayo Madam President. Sana mas dumami pa ang katulad mo.”

Set naman ng isang commenter: “Gow sige di na nga ako magpapatuli for you my president.”

“NADINE is the perfect choice for the brand.”

***

SABRINA INALALA ANG KAMATAYAN NI RICO YAN

INALALA ni Sabrina M ang 22nd death anniversary ni Rico Yan.

Sa kanyang post ay binahagi niya ang picture ng yumaong aktor.

Matatandaang pumanaw ang aktor noong March 29, 2002 sa Puerto Prinsesa sa edad na 27.

Naging usap-usapan ang sinabi ni Sabrina kamakailan, na naging karelasyon niya si Rico noon.

Sa kwento ng aktres, siya ang huling nakarelasyon ng aktor bago ito pumanaw.

Pumalag naman ang kampo ni Claudine Barretto sa rebelasyon ni Sabrina M.

Magsasampa pa umano ng kaso ang Optimum actress. Binigyan si Sabrina ng 72 hours ng abogado ni Claudine para mag-public apology at lumagpas na nga ito.

Nagmatigas ang sexy actress na wala raw mangyayaring public apology kaugnay sa kanyang sinabi.

Kalakip ng post sa picture ni Rico ay ang kanyang mensahe kaugnay sa pag-alala sa aktor.

“Remembering Rico Yan, 22nd death anniversary,” ani Sabrina.

Komento ng netizens, “sige pa teh para mas lalong mawindang ang lahat hehe”

“Kabog si Clau. Kala nya sya lang ha.”

Puna naman ng isa, “Omg hawig pala sila haha. Maybe that’s why sya ang rebound. If true ha…”

“Kala ko si clau nung una hahahahaha napa double look ako”

“Dati si Claudine lang, ngayon dumagdag pa si Sabrina”

“Baks akala ko sya un hahaha”

“Kala ko nga siya din. Kaloka!”

“Rico Yan has a type. Hehe”

“Oh dear. Palangga might get triggered.”

“Ay pinanindigan talaga ni ateh. Tita pala.”

“Baka nmn kc totoo. Kaya wala na tayo magagawa.”

“Wala naman mali sa post ni Sabrina. Simpleng post lang naman ito at parang fan lang na bumati sa idol.”

“diba? Ilang years din sya nanahimik habang yung isa feeling widowed”

“Ay si ateh gurl di nagpakabog kay Clau sa greeting.”

“ito na naman patahimikin na ang namayapa na.”

“Inalala lang naman, anong masama?? Di katulad nung isa kung nakapagpost kala mo sya ung byuda”

“Hahaha competition sila ni claudine”

“sabrina, gawin mo na yan yearly mas dramahan mo pa sana yung para kang asawang nabiyuda. Para it’s a tie no? Lol”

Pakiusap naman ng isang netizen, “Let RY rest in peace, please lang. Isipin niyo naman yung mararamdaman ng pamilya niya. Wala naman sa dalawa ang naging asawa niya, so ibigay niyo na yung respeto sa totoong nagmamahal sa kanya.

Obviously naman iyong Sabrina ginagamit siya para umingay. Teh di uubra.”

“Pareho lang naman silang dalawa ni clau papansin. Pati ung matagal nang patay gamit na gamit”

“Magkamukha sila ni claudine sa photo na yan kakaloka!”

“Laban lang Sabrina! Go go go! Kung kasal si Rico i would be the first one to say na off ito pero single naman sya. E kung naging MU sila kahit 1 week lang e she has all the right”

“Ang tindi ng pagkaheartthrob ni RY. Nasa langit na pero pinag-aagawan pa din.”

***

Eight months old na baby pinakabatang guest sa concert

ERE SONG NI JK LULLABYE SONG NG BAGETS

HUMANGA ang netizens nang magtrending ang guest ng isang infant sa concert ni JK Labajo.

Sa isang video ay ibinahagi ng Facebook account user @LifeofEs, ang performance ng singer na in- address ng mga magulang sa kanilang baby habang kinakanta ni JK ang Ere song.

Ongoing na ang cocert nang biglang huminto ang singer sa pagkanta at nilapitan ang parents na may dalang baby.

Ani JK: “Two months? Ba’t mo pinaparinig ng ‘Ere’ ‘yung bata. Two months pa lang, maaga, huwag. Wala bang earmuffs si bebe? Umiiyak na si baby, okay lang ba ‘yan? kawawa naman ‘yung bata.”

Sa isa pang part ng video, Labajo, makikitang karga ni JK ang baby and appeared to be talking with what seemed to be a  staff member to provide earplugs for the baby.

Nang bumalik siya sa stage, nagsalita ang singer sa audience kung saan in-emphasize niya sa parents na nasa audience ang kanyang sinabi.

“Yung mga bata, especially one year below, super sensitive pa yung mga tenga nila. Maraming salamat sa suporta, but please alagaan niyo si baby,” aniya.

Positibong komento ang nababasa ni JK sa kanyang comment sections.

“You have a big heart, you go far away for taking good care of the baby. God will bless you.”

“hanga ako sa kanya….di baling mahinto performance nya…basta mabigyang concern nya yong BB….he is a good heart. ..and he will be good father im sure.”

“An example of a good father in the future.”

Ayon naman sa mag-asawa ang kanta ni JK ang nagsisilbing  lullabye ng kanilang anak.

Klinaro rin nilang seven months old na ang baby at hindi dalawa.

“Sabi ng netizens, 7 months na ‘yung baby namin. Hindi siya 2 months. Mag-8 months na siya,” ayon sa ama.

May footage rin ang parents ng same concert nang mabasa ni JK ang banner na kanilang dala.

“Kahit isang karga lang mula sa pinakabata mong fan, Kuya JK.”

Sigaw pa ng ama, “2 months pa lang, kasama ka na nito!” kaya siguro napagkamalan ni JK the baby was two months old.

Pagbabahagi naman ng ina, “May magandang song si JK na narinig ko sa ‘Senior High.’ Upon learning the title of the song, she quickly looked for it on YouTube, where the baby heard ‘Ere’.”

“Naalala ko iyong sinabi ng pedia sa akin na ‘music can soothe babies, music can calm them, can make them relax.’ So ‘di ko naman in-expect na doon sa song na ‘yon ni JK, doon siya mare-relax. Every time na mag-pe-play ‘yon, napapansin kong tumatahimik siya.”

“Kasi si baby namin, very iyakin. So noong pinagtugtog ko ‘yong ‘Ere,’ bigla siyang tumahimik tapos hinehele ko, nakatulog. Noong paulit-ulit na ‘nong narinig namin, ginawa ko na siyang pampatulog. Nakita namin na tumatahimik siya once iyon na ‘yong song.”