Advertisers

Advertisers

Construction ng building sa Baclaran, Pasay kinondena!

0 346

Advertisers

Mariing kinokondena ng mga residenteng nakatira sa katabi at besinidad ng J. Fernando street, Barangay 77 d’yan sa Baclaran, Pasay City ang ginagawang gusali ng kumpanyang Exploit Builder Development Incorporation.

Bukod sa perwisyo at panganib na idinudulot nito sa mga mamamayan ng nasabing lugar at sa mga motorista at pedestrians na nagdaraan dito, wala umanong legit na dokumento o building permit ang nasabing konstruksyon na ini-report na malapit umano kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Bukod sa sinakop na umano ang bangketa, wala pang safety net ay iba pang safety construction measures ang ginagawang gusali na pangunahing requirement sa ilalim ng Building Code of the Philippines.



Marami na umanong insidente ang nangyari na sadyang nakaperwisyo ang nasabing ‘on going construction’ na ito gaya ng pagtapon o pagsabog ng mga buhangin,graba at iba pang construction materials na nahuhulog pababa mula sa ginagawang gusali.

May pangyayari pa ngang ultimo mga naghahanap-buhay na nagtitinda ng pagkain sa ibaba ay nasabugan ng buhangin mula sa construction site.

Binayaran na lamang umano ng kontraktor ang mga naperwisyong may-ari ng mga tindahan.

Isang bahay din ang nalaglagan ng hinalong semento at ito rin ay binayaran upang di na magsampa pa ng pormal na reklamo.

Ang pagiging malapit umano ng nasabing construction firm o ng mismong contractor kay Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pangunahing dahilan kung bakit nakatali ang mga kamay at hindi makagawa ng aksyon umano si Barangay 77 Chairman Noel Valerosa.



Paano kung matigas o mabigat na bagay na gaya ng malalaking tipak ng bato, bakal o mga kahalintulad nito ang mahulog mula sa ginagawang gusali at ang nagdaraang tao ang mabagsakan?

Babayaran rin ba ng nasabing bugok na construction firm?

Paano na kung mamatay ang taong maaaksidente dahil sa lantaran at sadyang kapabayaang ito?

Pati ba buhay ng tao ay kayang ng bayaran mahal na Mayora Emi Calixto-Rubiano?

Personal nating tinatawagan ng pansin ang mabunying alkalde ng aming lungsod ng Pasay na si Mayora Emi dahil pangalan n’ya ang kaladkad ng kumpanyang ito pati na rin umano ang nagmamay-ari ng nasabing property.

Kilala natin si Mayor Emi na isang patas na tao at may malaking malasakit sa kanyang mga constituents at mga kalungsod.

Hindi ito papayag na magamit ang kanyang malinis na pangalan lalo na sa isyu ng isang illegal construction na bukod sa di kumuha ng kaukulang permiso mula sa lokal na pamahalaan ay nakakaperwisyo pa ng tao at negosyo sa nasabing lugar.

Hinding hindi ito makakapayag na masangkot ang pangalan sa isang malaking katarantaduhan!

Pati ang punong barangay ng nasabing lugar ay tila alumpihit at di makapagpatupad ng kanyang tungkulin at responsibilidad dahil umano sa “pressure” na natatanggap nito sa tuwing may nagrereklamo laban sa nasabing construction site.

Ayon sa ating mga sources, sa tuwing may reklamong natatanggap si Kap Noel Valerosa ay nakakatanggap din ito umano ng tawag mula sa kung sinong Herodes mula dyan sa city hall ng Pasay.

Malamang na hindi si Mayora Emi ang personal na tumatawag dito kay Kapitan kundi ang kung sino mang tolongges na umaaktong padrino ng may-ari ng property o ng mismong construction firm na Exploit Builders.

Hindi rin umano nasa ayos ang pagpapasuweldo ng nasabing kumpanya ayon naman sa mga nagrereklamong constructions workers ng nasabing malatubang kumpanya.

Kakalkalin nating mabuti ang iba pang violations ng kumpanyang EXPLOIT BUILDERS pati na rin ang mga credentials nito sa pagpapatayo ng mga ganitong uri ng gusali sa isang premyadong lungsod gaya ng Pasay na isang thickly populated city na puwedeng maperwisyo ang karamihan sa mga mamamayang naninirahan dito kung sakali ngang pumalpak ang pagkakagawa nito.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com