Advertisers

Advertisers

Salary cap daw?

0 14

Advertisers

Ayon sa Philippine Fencing Association ay nawala sa pambansang koponan si Maxine Esteban dahil nagka-injury noon.

Ito ang opisyal na pahayag ni Rene Gacuma, pangulo ng NSA sa ekskrimahan.

Kaso nag-qualify si Maxine sa Paris Olympics hindi para sa Pilipinas. Cote de Ivoire nq ang kakatawanin niya.



Nagpasalamat si Esteban sa African nation na inampon siya at sinuportahan nang todo.

“ Sana hindi danasin ng iba ang hirap ng pinagdaanan ko dati na napabayaan, “ wika nii Esteban. Mabuti na lang daw na may sumaklolo aa kanya.

Hangad naman ng PFA ang tagumpay sa France ng dati nilang atleta.

May pag-asa pa tayo na may isang fencer ang makasama sa Paris nina boxer Eumir Marcial, gymnast Carlo Yulo at pole vaulter EJ Obienna sa Paris. Yan ay kung makapasa sa qualifier sa Dubai sa huling linggo ng Abril si Sam Catantan.

Parang ganito rin ang istorya ni chess champion Wesley So na para sa Estados Unidos na naglalaro.



Nagkaproblema din si So dati sa chess federation natin kaya nangibang-bayan.

Si Obienna nagkaroon din ng sigalot sa PATAFA pero maigi at naayos nila.

Hay naku!

Nioong Miyerkules ay muli kaming nagkita ng kakalase sa Paco Catholic School na si Jose ‘Boyet” Policarpio. Pagkatapos yan 50 taon . Bukod sa basketball ay mahilig din siya sa car racing. Anak niya si Jose Gerald na kilala bilang Joward na naging kampeon sa Nissan GT Academy Asia Race Camp taong 2015

Mayroon silang talyer sa Granate sa San Andres Bukid sa Maynila.

Yung kuya ni Boyet nagturo sa kanya sa karera ng kotse na ipinamana naman niya kay Joward.

“9 años pa lang panganay ko tinuturuan ko na yan magneto,: kwento ng kamag-aral natin sa PCS.

Si Joward sa Baguio na namamalagi habang ang ama niya ay sa Parañaque na nakatira.

Kung matuloy ang pagpirma ni Chris Newsome sa Ginebra San Miguel ibig sabihin ay hindi talaga sinusunod ang team at individual salary cap sa PBA.

Isipin nyo ang GSM na mayroon ng Scottie Thompson, Japeth Aguilar, LA Tenorio. Christian Standhardinger, Jamie Malonzo at Stanley Pringle ay kakayanin pa ang sweldo ng Meralco star kung hindi sila lalagpas sa itinakda ng liga.

Sa NBA mahirap mangyari ang ganito dahil mahigpit doon. Ipinatutupad ang regulation ni Commissioner Adam Silver. Hindi siya takot sa mga team owner.

Eka nga ay rules are rules. No one is exempted.

Oo kahit ikaw pa pinakamayaman na franchise owner.

Kaya kina LeBron James na liga patas ang mga team. Kahit pa Lakers o Celtics ka pa na mga pinakasikat at pinakamaraming titulo sa NBA.

Kaya rin mas kinagigiliwan ng mga tagahanga dito at sa ibang bansa ang NBA. Batid nila parehas ang laban.

Sa atin parang bumalik sa umpisa ng PBA na kontrolado ng Crispa at Toyota.

Ngayon ang nagkakampeon kundi GinKings ay Beermen at minsan nakakasingit ang TNT.