Advertisers

Advertisers

TUSONG KAIBIGAN

0 5

Advertisers

“FILIPINOS do not yield.”

Yan ang huling pahayag ni Pangulong Bong Bong Marcos sa huling pang-haharass ng mga Chinese Coast Guards sa ating mga kababayan na maghahatid lamang ng mga supply sa BRP Sierra Madre, and barkong, bagamat luma at kinakalawang, ay tumatayong taga-bantay ng ating karagatan sa West Philippine Sea.

“FILIPINOS do not yield.”
“Di sumusuko ang mga Pinoy,” ika nga. At yan ay atin nang pinatunayan mula sa ating mga ninuno, sa salin-salin na mga dayuhang naki-pagkaibigan sa simula, ang kaduluhan ay pagsasamantalahan lamang pala ang ating kabaitan bilang tao at pagiging Filipino.



Isang uri na diyan sa mapag-samantalang kaibigan ay iyang mga “tsengwa”, mga intsik na sa lahat ng panig ng daigdig ay nadudoon na. Naitanim ang kanilang mga kababayan, di para makipag-kapwa tao, kung di magpayaman at umangat sa lahat.

Maka-sarili sa madaling sabi, ang mga “tsengwang” ito. Tuso, ika nga. Puro kapakanan nila ang gusto at ini-ingatan. Sa madali ring sabi, “wala silang mga modo.”

Pasubali, sa mga Chinese-Filipino na dito na nagsilaki, ibang uri na ang mga ito. Mas desimulado kumilos, marunong makipag-kapwa tao. Dahil na-adopt o nakuha na nila ang ugaling Filipino.

Wala sa ugali nating mga Filipino, ang maging ganid, swapang, at mapag-samantala, di gaya ng mga “tsengwang” mula sa main land China. Na ngayon ay ina-aari na ang mga yamang-dagat natin, sa kabila ng ‘final’ na desisyon ng ‘international court’ na ang bahagi ng WPS ay talagang pag-aari ng PILIPINAS.

Ginagawa pa tayong mga tanga at pinag-aaway-away para lalo tayong mawala sa ‘focus’ at maituloy nila ang kanilang pangangamkam. Mayroon daw naging kasunduang sa kanilang pagitan at ang dating administrasyon na tanggalin na ang BRP Sierra Madre sa karagatang iyon.



Sinong traydor na lider ng mga Filipino ang gagawa noon?

Magiging matatag kami, at ipapamumukha namin sa inyong mga “tsengwa” na may sukdulan ang aming pagtitimpi.

Hindi ito babala, dahil nagawa na namin ito nang marami ng beses sa lahat ng mga kaibigang dayuhan na animo’y naki-pagkaibigan noong una, ngunit sa huli’y nagsamantala. Lumaban at nanindigan kaming mga Filipino. Kaya nga ang sabi ng aming kasalukuyang lider at Pangulong Bong Bong Marcos – Hindi sumusuko ang mga Filipino!