Advertisers
WINALIS ng defending champion De La Salle-College of Saint Benilde ang Emilio Aguinaldo College, 25-15,25-14,25-23, sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament Linggo sa FilOil Arena sa San Juan City.
Pinalawig pa ng Lady Blazers ang kanilang winning streak sa 30,samantala sinimulan ng Lady Generals ang kanilang kampanya sa 0-1 slate.
Gayunpaman, nalusutan ng Lady Blazers ang malaking third set rampage ng Lady Generals patungo sa tagumpay.
Pinamunuan ni middle blocker Michelle Gamit ang opensiba ng Lady Blazers sa iniskor na 10 points habang si pascual,Wielyn Estoque, at Jade Gentapa nag-ambag ng tig-8 puntos.
Cath Almazan pinamunuan ang EAC sa iskor na 12 points tampok ang 12 attacks at two aces habang si Reyes nagtapos ng anim na puntos at four digs.