Advertisers
ANG Philippine boxing team ay nakatakdang umalis patungong United States Lunes,Abril 8, upang palakasin ang kanilang preparasyon para sa Olympic qualifications, para sa Paris Games
Ang pangkat ay binobou nina Paris qualifiers Aira Villegas,Nesthy Petecio at Eumir Marcial kasama ang Olympic hopefuls Rogen Ladon at Cristian Pitt Laurente at Hergie Bacyadan para sa month-long training camp simula sa Abril 14 hanggang 21.
Ang team ay magte-training sa US Olympic Training Center sa Denver, Colorado bago sumali sa 2024 USA Boxing Multi Nation Camp.
Sasamahan sila ng mga coaches Don Abnett, Ronald Chavez, Reynaldo Galido, Mitchel Martinez at Gerson Nietes Jr.
Pinili ng Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) na ipadala ang best fighters sa malawak na training camp upang palakasin ang kanilang preparasyon partikular sina Villegas,Petecio at Marcial, na tiyak na ang puwesto sa Olympics.
Nakamit ni Marcial ang kanyang Olympic ticket matapos ang silver-medal finish sa nakaraang Asian Games sa China,Habang sina Villegas at Petecio nakakuha ng selya sa first world qualifiers na ginanap sa Italy nakaraang buwan.
Ang two-week training camp sa Bangkok, Thailand sa susunod na buwan ay niluluto bago ang final world qualification sa Mayo 23 hanggang Hunyo 3. Ang lineup ay inaasahan na ma finalized ngayong Linggo.