Advertisers

Advertisers

John makakapareha ang balik-showbiz na si Ellen sa sitcom ng TV5

0 258

Advertisers

BY FERNAN DE GUZMAN

BONGGA at magiging maingay ang TV5 sa taong 2021.

Tuluy na tuloy na kasi  ang bagong sitcom na bubulaga sa lahat ng mahihilig tumawa.



Pagbibidahan ito ng multi-awarded actor na si John Estrada.

At sa kanyang pagbabalik-showbiz, makakatambal ni John ang kontrobersyal na actress  na si Ellen Adarna.

” Masaya ako dahil  ang ganda ng show na binigay sa akin. At sa akin din pinaasikaso at pinamahala ang casting,” simula ni John.

Peg nga raw ba ito sa dating  sitcom na “John en Marsha?”

“Yes, kaya ‘John en Ellen’ ang title. Marami akong  artista rito na nakasama ko like Long Mejia.  Nagkasama na kami dati sa sitcom namin sa TV5 na “Happy Together” na isa sa top rated show sa Kapatid channel.”



Dahil ba paborito at kaibigan niya si Long?

“Kaya hinanap ko si Long..naniniwala ako sa husay niya sa larangan ng comedy,” tsika pa ni Papa John.

“Natutuwa ako dahil kahit hindi maganda ang sitwasyon natin dahil sa pandemic  ay may ganitong napakagandang dumarating na proyekto. Blessed pa rin tayo,” anya pa.

Kelan ba ito mapapanood?

“Malapit na, sa January 17, 6 to 7 PM every Sunday, Primetime.”

Magiging bahagi rin ng comedy show ang mahusay na aktor na si Ronaldo Valdez at ang anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Angelina Cruz  at marami pang iba.

Abangan ang “John En Ellen” na mula sa direksyon ni Willie  Cuevas.