Advertisers

Advertisers

42°C heat index naramdaman sa Tuguegarao

0 2

Advertisers

UMABOT muli sa 42 degrees celsius heat index ang naramdaman sa lungsod ng Tuguegarao nitong Lunes, Abril 08, 2024, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa naging panayan kay Engr. Den Lavadia ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division, asahan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon sa probinsya.

Posible aniyang magtutuloy-tuloy ang mainit na panahon na mararamdaman hanggang sa Hunyo.
Sa bayan ng Aparri, sinabi ni Engr. Lavadia na posible namang makaranas ng 43 degrees celsius heat index nitong Lunes.



Nitong Linggo, nakapagtala ang lungsod ng Tuguegarao ng 42 degrees celsius heat index habang 44 degrees Celsius naman sa Aparri.

Kaugnay rito, pinapayuhan ni Engr. Lavadia ang publiko na ugaliing uminom ng tubig at huwag lumabas ng bahay lalo na sa tanghali, pero kung kinakailangan ay magdala ng panangga sa init ng panahon.

Samantala, Easterlies o hangin na nagmumula sa karagatang Pasipiko ang patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng hilagang Luzon kasama na ang Cagayan. Posible rin aniya ang tyansa ng pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat, pagkulog lalo na sa hapon at gabi sa Cagayan dulot ng Easterlies.

Wala namang namo-monitor ang PAGASA na anumang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">