Gymnasium ng bagong DAES, ipinangalan kay dating Vice Mayor Danny Lacuna

Advertisers
HINDI napigilan ni Mayor Honey Lacuna ang pagluha sa pormal na inagurasyon ng newly-rehabilitated at ngayon ay fully-airconditioned Dr. Alejandro Albert Elementary School (DDAES) sa Sampaloc, Manila noong Lunes.
Ito ay matapos niyang malaman na ang gymnasium ng nasabing paaralan ay ipinangalan sa kanyang nasirang ama na si former Vice Mayor Danny Lacuna, na ayon sa kanya ay madalas sa Dapitan tennis court na katabi ng nasabing paaralan noong ito ay vice mayor pa at produkto din ng public school na Legarda Elementary School na nasa Sampaloc din.
“What made this inauguration very special ay ang pagpapangalan sa tatay ko. Kaya pala lahat ng kapatid ko, nanay ko, nandirito,” saad ng lumuluhang alkalde na nagsabi rin na ang presensya ng kanyang ina at mga kapatid ay lalong nagbigay sorpresa sa kanya dahil di naman ito dumadalo sa mga city government events.
Ang inauguration ay dinaluhan din ng ina ng alkalde na si Melanie ‘Inday’ Honrado-Lacuna, former Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Yul Servo, City Engineer Armand Andres, city architect Pepito Balmoris at City Eelectrician Randy Sadac, fourth district councilors, barangay at school officialsm
Sa kanyang talumpati, nanawagan si Lacuna sa mga guro na tumindig sa hamon ng pagkakaroon ng bagong paaralan na kumpleto sa pasilidad na katulad ng pribadong eskwelahan, sa pamamagitan ng pagiging mahusay sa kanilang propesyon.
“Isang hamon sa mga gurong narito… kung ano ang ganda ng gusali, dapat ganun din kaganda ang edukasyon na ibibigay natin sa ating mga mag-aaral lalo na kung elementary,” saad ni Lacuna.
Idinagdag pa nito na: “Ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga mag-aaral at ang mga guro ang mga pangalawang magulang ng mag-aaral. In fact, baka mas matagal pa sa loob ng paarlaan ang mga bata kesa sa loob ng tahanan…ano ba naman ang isang magandang gusali kung di naman tutumbasan ng magandang edukasyon?”
Binanggit din ng alkalde ang pagsisikap ni Moreno at ang lahat ng ginawa nito upang mai-rehabilitate lamang ang DAES sa kasagsagan ng pandemya.
“Iba talaga pag me pangarap na bawat Manilenyo ay mabigyan ng magandang edukasyon. Nagsisimula sa magandang pasilidad kasi me looking forwayd ang mga guro at mag-aaral na pasukan ang paaralan na di lang maganda kundi kaaya-aya ding mabigyan ng de kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral” pahayag ni Lacuna.
Sinabi pa ng lady mayor na mapalad ang mga estudyante dahil katabi lang nila halos ng kanilang paaralan ang Dapitan Sports Complex. Kinausap na rin aniya niya si Engineer Andres na maglagay ng gate para sa easier access mula sa paaralan patungo sa complex.
“Sabi ko, lagyan na ng gate para me lagusan papunta sa Dapitan swimming pool. Ang swerte ninyo dahil katabi nyo ang complex… maglalagay lang ng access. malay n’yo, baka maging sentro pa ito ng lahat ng sports activities,” saad ni Lacuna. Idinagdag din ng alkalde na kinausap na nila ang mga football players at sinabing welcome silang gumamit ng facilities ng DAAES o magsagawa ng sports clinics dito.
Pinasalamatan ni Lacuna ang lahat na nag-ambag para sa konstruksyon ng bagong DAAES, ito ay kasabay din ng kanyang pagkilala sa katapangan ng mga construction workers na sinagupa ang banta ng COVID infection at ipinagpatuloy ang pagtatayo ng gusali hanggang sa matapos ito. (ANDI GARCIA)