Advertisers
NAPALAYA ng Bureau of Corrections (BuCor) sa panahon ng Ramadan ang 46 Muslim persons deprived of liberty (PDLs).
Karamihan sa mga napalayang Muslim PDLs expired na ang sentensya, habang ang iba acquitted at nabigyan ng probation at parole.
Sa ngayon, umaabot na sa 754 Muslim PDLs ang napalaya sa ilalim ng Marcos administration.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, 3,014 Muslim PDLs ang nakakulong sa iba’t ibang prison and penal farms sa bansa.
Karamihan sa kanila, nakapiit sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.(Gaynor Bonilla)