Advertisers

Advertisers

Lalaki nagpakilalang pulis para makalibre sa bus

0 9

Advertisers

BUKING ang isang lalaki na nagpanggap na pulis para makalibre ng pamasahe sa sinakyan nitong bus sa Parañaque City nitong Lunes.

Ayon kay Police Major Hazel Asilo, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), napansin ng kanilang kasamahang pulis na hindi magkatugma ang uniporme na suot ng lalaki.

“Pagkasakay niya, napansin na niya agad itong isang lalaki na nakasuot ng athletic uniform na pang itaas. Pero napansin niya na mali ‘yung pang-ibaba niya na pants kasi supposed to be dapat blue ‘yun, black ang suot niya at naka-tsinelas din siya,” sabi ni Maj. Asilo.
Imbes na magbayad, nagpakilala raw itong pulis para makalibre ng pamasahe. Dito na siya nilapitan ng tunay na pulis na nakasakay sa bus at tinanong kung saan ito naka-assign.



Nang hingan din ng ID, agad na umamin ang lalaki na hindi talaga ito pulis at hiniram lamang aniya ang kanyang suot na atheletic uniform.

Dito na humingi ng responde ang pulis sa pinakamalapit na istasyon para mahuli ang lalaki.

Mahaharap ito sa kasong Usurpation of Authority of Official Function at Illegal Use of Uniforms and Insignias.

Paalala ni Asilo sa mga kapwa niya pulis, i-dispose ng tama ang mga pinaglumaan nilang uniporme.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">