Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
Sa kanyang Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng naaabutan ng tulong ng Kapuso star at Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista sa pamamagitan ng libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo para mabigyan ng pagkakataon ang mga underprivileged kids sa iba’t ibang komunidad sa bansa na ituloy ang kanilang pag-aaral.
Inanunsyo ng aktres sa kanyang social media pages na magkakaroon na naman siya ng panibagong batch ng tablets na ipapamigay, “I’m so thankful that I’m given opportunities to give back to those most in need during times like these.
“For this recent 2nd batch that was launched last Nov. 9, I’ll be tying up with Cherry Mobile to give away another 500 Cherry tablets with free data to more students in need of a device! Just make sure to stay updated with and follow Big Heart PH to find out how you can avail your own Cherry tablet along with free data!”
Tampok din ang Big Heart PH project ni Heart sa ‘Isang Puso Ngayong Pasko,’ ang 2020 Christmas Station ID ng GMA Network na inilunsad kagabi. Mapapanood ang kabuuan nito sa official social media pages at YouTube channel ng GMA.
***
GMA Christmas Station ID, trending: 1 million views agad sa Facebook
Marami ang nag-abang sa launch ng Kapuso Christmas Station ID na “Isang Puso Ngayong Pasko” nitong Nobyembre 16.
Bukod sa mga paboritong Kapuso stars at news and public affairs personalities, talaga namang kapansin-pansin ang napakagandang mensahe ng Kapuso Christmas Station ID – ang pagiging “Isang Puso Ngayong Pasko” sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan natin.
Wala pang isang araw ay umabot na agad ito ng 1 million views sa Facebook at napasama rin sa Top 5 trending videos sa YouTube Philippines. As of this writing ay mahigit 260,000 views na ito sa YouTube. Trending din ito sa Twitter Philippines nitong Lunes.
Post ng isang netizen, “This video deserves a million views! Kailangan natin ‘to ngayon para ma-lift up ang spirit natin. Despite all the crisis and challenges we’re facing right now, tuloy na tuloy ang Pasko! Nakakaproud maging PINOY at MAGING KAPUSO!”
***
Gabbi Garcia ginamit ang social media upang tumulong
Magandang example ang Kapuso star na si Gabbi Garcia kung paanong nagagamit nang mabuti ang social media. Nitong mga nakaraang araw, makikitang ginamit niya ang kanyang social media accounts upang magbigay ng lakas at makahingi ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
Dahil na rin sa bagyong Ulysses, na-move ang pilot airing ng kanyang show sa GMA News TV na IRL (In Real Life) para magbigay daan sa balita at updates sa bagyo. Ngayong Huwebes (November 19) na mapapanuod ang first episode ng nasabing reality program na una niyang guest co-host ang kanyang boyfriend at bagong Kapuso na si Khalil Ramos.
Humingi ng pasensiya si Gabbi sa kanyang fans dahil late na rin siyang nakapag-post tungkol sa pagkaka-postpone ng first episode. Say ni Gabbi: “Hi guys. The pilot ep of “IRL” will air on Nov. 19 instead. So sorry I wasn’t able to update you guys yesterday. We had no signal and power. Praying for everyone’s safety, please please take care.”
Naintindihan naman ito ng fans ni Gabbi na karamihan ay nagsabing mas mahalagang safe ang Kapuso star at ang kanyang pamilya.