Advertisers

Advertisers

3 Pinoy nabiktima ng scam sa Laos

0 3

Advertisers

MULING nagbabala ang Bureau of Immigration sa mga gustong magtrabaho sa ibayong bansa na mag-ingat sa mga illegal recruiter at mga human trafficker.

Kasunod narin ito ng pagdating sa bansa ng tatlong Pilipinong nabiktima ng scam sa bansang Laos.

Ayon sa Bureau of Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), ang lahat ng mga biktima ay babae.



Dumating ang mga biktima sa Pilipinas lulan ng AirAsia flight mula sa Vientiane nang mabiktima ng scam hub sa naturang bansa.

Inamin naman ng mga biktimang na-recruit para magtrabaho bilang mga call center agent.

Pero tulad ng mga nakaraang repatriates, nagtrabaho ang mga biktima bilang scammers na nagsasagawa ng love scam operations.