Advertisers

Advertisers

Chavit ginawang P200k reward sa MMDA enforcers

0 10

Advertisers

TINAASAN ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ang kanyang reward sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers na nag-flag sa kanyang convoy dahil sa hindi awtorisadong paggamit ng EDSA Busway.

Bumisita pa ng personal si Singson sa tanggapan ng MMDA sa Pasig City para i-turn over ang award.

“Nakita ninyo ‘yung sinabi ko sa nag-interview na magbibigay ako ng P100,000 na papremyo sa mga nanghuli, at dahil ilang araw na nangyari, gagawin kong P200,000 ang ibibigay ko,” aniya sa kanyang Facebook post.



Ayon kay Singson, binayaran niya ang violation ticket na inisyu sa kanyang mga driver at ibinigay ang P200,000 sa mga enforcer na nakahuli sa kanyang convoy.

“This prize was properly received by the accounting and made with receipt. This cash prize could also be used as a support and improvement to the system of MMDA,” saad pa ni Singson.

Matatandaan na noong Abril 8, nakatanggap ng violation ticket ang convoy ni Singson mula sa MMDA nang mahuling gumagamit ng EDSA Busway.

Sakay ng lead vehicle si Singson nang harangin sila sa EDSA-Cubao.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">