Advertisers
ISA lang ang isyu ngayon – kataksilan sa bayan. Mahalaga na kilalanin kung sino ang mga taksil sa bayan. Mahalaga na masingil sila sa panahon ng singilan. Mahalaga na mabigyan sila ng karampatang parusa. Sino-sino sila?
Mahalaga na malaman kung sino ang kanilang mga galamay na nagsisilbing mga mensahero upang impluwensya ang opinyon publiko sa kanilang panig. Kilalanin silang mabuti na ginagamit ang kalayaan sa pamamahayag upang pag-ibayuhin ang panig ng kaaway.
Iisa ang kaaway, ang China. Sino ang kampon ng Peking na gumagalaw sa lipunang Filipino? Paano ang kanilang kumpas upang impluwensyahan ang bayan.
***
NAKAKATAWA ang mga payaso ni Gongdi sa pulitika. Kamakailan, inudyukan ni Pantaleon Alvarez ang AFP na maglunsad ng kudeta kay BBM. Nais niyang agawin ng kung sinong mga heneral ang kapangyarihan kay BBM at ibigay ito kay Sara.
Hindi siya sineryoso ng mga sundalo. Mistula siyang isang buwang na gumagala sa kalye na hindi pinansin ng mga sundalo. Nang paalalahan na krimen, o inciting to sedition ang sinasabi, binawi niya ito at sinabing nadala siya ng kanyang emosyon. Bahagi iyon ng free speech, aniya.
Inalam ng DoJ kung papanagutin si Alvarez sa pang-uudyok sa AFP. Krimen ang sinabi ni Alvarez. Maaari siyang makulong. Kilala si DoJ secretary Juanito Remulla na may puso sa mga payaso ni Gongdi. Dati silang magkakasama.
May sinabing maganda si Leila de Lima: “Alvarez has done worse than Remulla and the DOJ in suppressing free speech. When I spoke against Duterte’s EJKs in September 2016, Alvarez ran all over me with a kangaroo court inquiry that almost turned Congress into a national smut show. Alvarez does not know free speech.
“His speech calling for AFP/PNP’s withdrawal of support for PBBM was neither privileged nor protected. It is punishable by inciting to sedition, plain and simple. The DOJ is just too timid to quarrel with the Davao Mafia in its blatant call for a coup d’etat against BBM.”
***
MAIGING maintindihan na isa sa mga dahilan ng ipinagpuputok ng butse ni Gongdi kay BBM ay hindi niya nakuha ang direktang suporta upang bigyan siya ng proteksyon kontra sa hakbang na gagawin ng International Criminal Court (ICC). Walang direktang utos si BBM na pumipigil sa ICC sa kanilang hakbang, kung anuman ito.
Malinaw ang sinasabi ni BBM. Hindi makikialam ang gobyerno niya sa hakbang ng ICC. Hindi niya hahayaan gamitin ang PNP upang dakpin si Gongdi at mga kasapakat sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga.
Pinakamaganda na hindi makialam ang PNP. Hindi ito kilala sa integridad sa pagganap ng tungkulin. Maiging ibang sangay ang gumanap ng tungkulin huwag lang ang PNP. May matwid na dakpin ng ICC si Gongdi dahil may reklamo sa kanilang ginawa.
Hindi katwiran ang paghiwalay ng Filipinas sa ICC. May poder ang ICC na hulihin si Gongdi kahit humiwalay na ito.
***
MAY sinabi si dating senador Leila de Lima tungkol sa isyu: “Whoever gave BBM the idea that the ICC does not have jurisdiction over the PH in its drug war investigation should be immediately kicked out of the BBM Admin as a Duterte stooge. Such advice only serves Duterte and gives BBM a black eye before the int’l community in his human rights compliance record.”
“To BBM: Bukambibig mo nga ang UNCLOS decision sa WPS vs. China, pero ang ICC, na itinayo ng Rome Statute, hindi mo kinikilala ang mandato sa Pilipinas. Pareho lang ang pinanggalingan nyan, international treaty law. Hindi ka pwedeng mamili kung ano at kailan susunod sa int’l law. You will be charged with cherry-picking int’l tribunal decisions that you deem are favorable to you. Huwag kang sumigaw ng ‘rules- based international order’ kung ikaw mismo hindi handang tumalima dito pagdating sa ICC issue.
***
HINDI pa tapos ang sabi ni Gongdi sa ginawa noong siya ang pangulo. Wala na rin saysay ang kanyang lihim na “gentleman’s agreement” na pinasok kay Xi Jinping. Malinaw ang sinabi ni BBM. Kung mayroon man, pinawalang bisa na niya iyon.
“A gentlemen’s agreement has no currency under international law. Any successor president has the power not only to rescind a non-legally binding unwritten agreement, but also to ignore it altogether. That’s a lesson for Xi Jinping and China never to trust anyone from the Davao Mafia, written or not, then, now, or ever.” Ito ang sinabi ni Leila de Lima
***
BALITA: Matapos ang imbentaryo ng PNP at PDEA, bumaba sa humigit kumulang 1.4 tons mula 1.8 tons ang ilegal na droga na nasabat sa isang checkpoint sa Alitagtag, Batangas nitong Lunes, Abril 15. Bumaba rin ito sa P9.6B mula P13.3B, ayon sa PNP Calabarzon. – ABS-CBN
Kalahating bilyon piso ang halaga ng shabu na nawala. Aabot P500 milyon. Hindi biro ang halaga. May kumupit? Walang makapagsabi. Iyong hula ninyo ay hindi naiiba sa hula ng karamihan na hindi nagtitiwala sa PNP.
***
MGA PILING SALITA: “It is obvious that Rigoberto Tiglao will only believe what the “Chinese side” says and he will never ever accept our rights over Ayungin Shoal and our EEZ. What the government needs to investigate is his treason.” – Rommel Lopez, netizen, kritiko
“Pag ICC ang pinag-uusapan, panay ang pasabi na pinapakialaman daw ang sovereignty ng Pilipinas. Pag China naman ang nanindak at nanghimasok, ni isang piyok, wala tayong marinig.” – Jojo Clemente, netizen, kritiko
“Hindi matanggap ni Gongdi na nadenggoy siya ni BBM. Akala niya kanya si BBM at bibigyan siya ng proteksyon kontra ICC. Hindi pala.” – PL, netizen, kritiko
“Ferdinand Marcos Jr. is now president of the Philippines. This is a fact we have all had to contend with. More than anyone else however, it is a fact he himself should, by now, have fully absorbed. Being president is not simply trips abroad or high luxury. As president, he is tasked to uphold, respect, and execute the laws of the land. He, before all others, must stand as a model of abiding by the law and the Constitution honoring the beliefs and aspirations enshrined in them. Yes, even those he and his family are personally in conflict with. He cannot remain willfully ignorant, or even appear to be so.” – Mel Sta. Maria, manananggol, dekano sa batas