Advertisers

Advertisers

Hajji binuking ang advantage ng kasama ang anak na si Rachel sa show

0 12

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ONE hundred eighty pesos ang unang kinita ng Streetboys member na si Christo o Chris Cruz noong una siyang sumayaw.

Aniya, “Sobrang hirap din po talaga ng pinagdaanan namin before, yung mga batang 90’s bago kami nakarating sa ganitong… ah masasabi ko lang kaya kami naging matibay, pinursige namin talaga yung pagsasayaw, mahal namin, passion namin, para dun sa mga kabataan ngayon na may gustong marating.



“Streetboys, UMD, lahat ng nakilala nung nineties… tibayan natin loob natin and siyempre yung pagmamahal sa kung ano’ng ginagawa natin, passion natin, pero siyempre kung nag-aaral tayo hindi natin pababayaan.

“Balansehin po natin, iyon po,” saad pa ni Chris.



At may dance concert/reunion sila, ang  The Sign ’90s Supershow: A Benefit Concert na mula sa WildCat Queens Productions and Management Inc.sa Abril 19, 2024 (Biyernes), 6:00 pm, sa Aliw Theater sa CCP Complex, Pasay City.

Mapapanood dito bukod kay Chris sina Spencer Reyes, Maynard Marcellano, Danilo Barrios, Nicko Manalo, Joey Andres, at Michael Sesmundo ng Streetboys kasama ang Streetboys Juniors na sina Fritz, Gian, Paulo, at Neil.



Nasa show rin ang Manoeuvres nina Joshua Zamora, Rene Sagaran, Jonjon Supan, Red at Jhon Cruz.

Hindi naman mabibigo ang mga tagahanga ng Universal Motion Dancers dahil darating sina Marco Mckinley at Norman Santos.

Mapapanood din ang iconic Kids At Work sa pangunguna ni Jayjay Del Rosario, ang Power X People sa pangunguna naman ni Isaac Generoso.

May performances sa concert ang Bigmen, Abztract, Dyna Turbo, Teensquad, Katz22, Black & White, Mastermind, Blain, Wildcat Queens, at marami pang iba.

Sa direksyon ni Kiko Cabarloc at over-all director na si Arnel Caranto

***

HINDI na bago kay Hajji Alejandro na nakakasama niya sa mga concert ang anak niyang si Rachel Alejandro; ano ang advantage at disadvantage?

“Ang advantage para sa akin ay dalawa kita namin,” tumatawang sinabi ni Hajji.

“Wala akong nakikitang disadvantage. Tsaka yung ano, walang kasing saya yung magkasama kami sa stage, like magkatinginan lang kami alam na namin kung… kumbaga nga nagkaka-amuyan kung ano gusto naming ibigay sa audience, ganun.

“Thirty plus years na din in the industry, so you can just imagine what does that make me? Jurassic,” at muli itong tumawa. “Sa totoo lang po, fifty-one years na ako in showbusiness this year.

“Kasi nag-umpisa ako na I considered myself professional, kasi pag sinabing professional yung binabayaran ka na para kumanta ka e, 1973 when I joined the group called Circus Band, so fifty one years.

“Iyan ay utang na loob ko sa hanggang ngayon marami pa din shows na marami pa ding tumatangkilik.”

May concert ang mag-ama, ang Awit Ng Panahon: Noon At Ngayon musical concert sa April 21, Sunday, 8pm sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

Ang iba pang kasama sa concert bukod kina Hajji at Rachel ay sina Gino Padilla, Kris Lawrence, Nitoy Mallilin (formerly of The Boyfriends), Edwin Cando (seven-time defending champion ng Tawag ng Kampeon), at John Raymundo (eight-time defending champion of Tawag Ng Tanghalan).

Mula sa Pro-Entertainment Production, ang organizer at producer ng concert ay si Spike Bermudez, sa direksyon ni Ferdi Aguas.

Ang iba pang artists sa concert ay sina Male Rigor (of VST and Company), Pete Gatela and Carlos Parsons (of Hagibis), Arabelle Dela Cruz (of TNT of It’s Showtime and The Clash), Rachel Gabreza and Luzviminda Piedad (of TNT of It’s Showtime), at Geoff Taylor ng Pinoy Dream Academy).