Advertisers

Advertisers

USAPANG LALAKI

0 2,119

Advertisers

Maagang namulat sa kaayusan ng mundo sa kadahilanang kailangang kumayod ng may makain. Ang kahirapan ang nagtulak upang manatili ng mahabang oras sa kakalsadahan sa halip na sa tahanan o paaralan. Taong kalye ang taguri dahil maaga pa’y buhat na ang basket na may lamang panindang inilalako ng ‘di sumala sa oras ng kainan. Sa layon na ‘di ang lumiban sa oras ng kainan naging karaniwan ang sumala sa oras ng kain sa kawalan ng perang pambili ng makakain. At napapalagpas ng ‘di pansin dahil sa pagiging abala sa paglilibot’ pagsigaw ng maubos ang panindang dala. Sa paglilibot, may dapat at ‘di dapat pasukan higit hawak ng kapwa manininda ang lugar ng maiwasan ang ‘di pagkakaunawaan. Hindi ginagawa pumasok na teritoryo ng kapwa sa ngalan ng pagkakaibigan at respeto. Magagawa ang pagpasok sa lugar na ibig paglakuan sa panahon na ang kapwa manininda ang umimbita at duon maglako. At ito’y nangyayari sa panahon na naubos ang dalang paninda ng kaibigan. At ganun din gawa ng kapwa manininda o tindero sa lugar na pinagtitindahan.

Hindi nakasulat ang kalakaran ngunit nagkakaintindihan ang bawat isa o ang mga manininda na usapang lalaki na ‘di na kailangan palalimin dahil magkakaibigan. Ang paggalang sa lugar na masasabing teritoryo sa pagtitinda ang kaayusan na may respeto na pakinabang sa magkabilang panig ng mga manininda. At nagtama ang isip na ang lugar na kanya-kanyang balwarte sa pagtitinda ang tunguan o pupuntahan ng nakatalaga sa oras ng pagtitinda. Ang maganda sa kaayusan, itinataboy ang hindi kasamang manininda na pumapasok sa teritoryong pinagtitindahan ng kaibigan higit batid na darating ang kaibigang manininda. Nanatili ang kaayusan hangang magsitigil ang nuo’y maliliit na manininda.

Maayos ang hatian na naganap dahil sa respetuhan ng kapwa maninindang tumali sa usapang lalaki. Naiwasan ang agawan ng mamimili at parehong masaya sa usapan. Sa totoo lang, ang makakilala ng suking mamimili’y bentahe sa pagtitinda na nalalakipan ng dagdag na kitang naiuuwi. Ang mga suking mamimili’y ang nagtitiyak ng benta ng paninda higit kung silip ang tumal ng bumibili. Ang kasanayan ng lugar na pinagtitindahan ang bentahe kung saan hahanapin ang mga suking mamimili. Hindi bara-bara o ala-tsamba ang paglalako dahil sa kabatiran sa mga tao o suki ng panindang dala. At kabatiran ng mamimili sa uri ng panindang ang rason sa pagtangkilik. Walang maraming usapan upang makumbinsi na bumili dahil ang makita pa lang ay katiyakan ng benta sa araw. Sa kaayusan bangit, ganap na naayos ang relasyon ng mga gumagalaw sa lugar, ang manininda sa kapwa maninda at sa mamimili. Kaayusan na hinubog ng pagtitiwala na walang magaganap o naganap na pagmamalabis sa bawat panig.



Masasabi na usapang tao o lalaki ang kaayusan sa itaas dahil pinahahalagahan ang kagalingan ng kapwa. Walang kilos na gagawin o ginagawa na ikasasama ng loob ng bawat panig sa kadahilanang pinahahalagahan ng pagkakaibigan. Bata man sa panahong bangit, tila likas ang pagpapahalaga sa kapwa higit kung tinatanaw na kaisa sa pananaw at gawain. Meron pa ba nito sa kasalukuyan?

Dumating ang pagbabago, dumami ang tao, pasok labas ang lider ng bansa ngunit may lider na nahalal na taliwas ang isip o sadyang walang isip na halos tinalikuran ang kagalingan ng bansa. Sa tindig at tikas, kinatakutan ng marami higit ang laban sa lahat ng kasamaan. Naglipana ang mga taong nawalan ng hininga sa pagpapatupad kuno ng laban sa salot na droga. Ngunit sa kabilang banda, ang tikas at malinis na tindig nito’y kabila ng katotohanan dahil una ang sarili at grupong mangmang sa lahat ng kinilos. Ang pananakot ang paraan ng pangangamkam ng ‘di kumibo ang bayan. Sa tikas na tindig, nabatid na bahag ang buntot nito sa harap at likod higit sa mga taong may kakayanang sumabay sa salita bangit. Hindi nakitaan ng matikas na tindig higit kung pag-uusapan ang lugar na pinalagan ng lider na pinalitan. Ang masakit tiklop na ang buntot pumasok pa sa usapang lalaki na kawalan sa bansa.



Sa pinasok na usapang lalaki o “gentleman’s agreement” pinasok ng kausap ang lugar na pinagwagian ng Pinoy sa usapin legal sa pandaigdigang hapag hingil sa batas ng karagatan sa mundo. Dahil bahag ang buntot at ‘di maka hindi sa kausap na tuso na isinulong ang pananakop sa karagatang pag-aari ni Mang Juan. At dahil nagmamadali sa kaperahan, hayun sinalaula ang karagatang pag-aari ng bansa at walang habas na sinalakay ang mga pinangingisdaan ng ating pamalakaya. Hindi basta huli, dahil daan-daang tonelada ng isda ang madalas na iahon ng mga dayo mula sa karagatan sa West Philippine Sea ‘di Tsina Sea. Tumagal at tumindi ang pangingisda ng dayuhan na nagresulta sa pagliit ng huli ng Pinoy na pamalakaya na nagresulta sa pagtaas ng presyo ng isda sa palengke. Ang usapang lalaki na pinasok ng bobo ng kaTimugan ay taliwas sa karanasan sa nakaraan. Ang proteksiyunan ang lugar ng kabuhayan na ‘di dapat pasukin ng ‘di kanya. Malinaw ang pagpabaya ng lider na magaling sa salita ngunit ‘di sa gawa.

Sa ilang taon ng usapang lalaki, naka-apat o limang pagdalaw ang ginawa “bobong” lider. Ang masakit, ‘di binatid ang kaganapan sa karagatang pag-aari ng bansa na ‘di pinarating sa kaibigan. Sa kabahagan ng buntot, walang pagtutol sa pagpasok ng mga dayuhan sa karagatan ng bansa. Sa halip hinayaan na itaboy ang pamalakayang Pinoy sa ngalan ng katahimikan. Ang nakalulungkot nanatiling tikom ang bibig, ang kamao kung ang usapin ng karagatan ang nakahain. Walang pagtutol kahit batid na ng kaibigan ang kaganapang binabalahura ang karagatan at bahura ng bansa. Para sa kaibigan na lumalapastangan sa likas yaman ng bansa, ang hayaan sa kilos at paninira’y ayos lang. Hindi kailangan na ipaabot ang ibig ng bayan hingil sa katayuan ng kabuhayan ng mga pamalakaya. Ang tutulan sa pagpasok ng mga kawal sa karagatang sakop ng bansa’y ‘di na paabot dahil sa kabahagan ng buntot at usapang lalaki.



Ang pagpapabaya sa tungkulin higit ng nakatataas ay ‘di dapat tularan at mainam na bigyan aral ang mga nunungkulan sa pagsasampa ng kaukulang demanda sa korte sa salang nagawa. Ang pagpasok sa usapang lalaki’y ‘na gumahasa sa likas yaman ng bansa dapat pagusapan. Ang kagalingan ng bayan ang nakataya sa usaping bangit. Kasuhan ang dapat kasuhan ng ‘di pamarisan ang maling kilos higit ng nakatataas sa bansa. Mainam na panagutin ang sino man sa ngalan ng katarungan. Walang usapang lalaki kung bahag ang buntot ng humaharap.

Maraming Salamat po!!!!