Advertisers
Ni JOE CEZAR
NAITSIKA ni Shaira Diaz sa GMA Artist Center online show na “In The Limelight” ang kanyang pagiging “one of the boys.”
Ayon kay Shaira, “Simula bata ako, puro lalaki na ‘yung mga kasama ko. Unang-una, sa family ko, only girl ako then ‘yung cousins ko puro lalaki talaga sila lahat. Kaya, ayun, ‘yung mga nagiging barkada nila, nagiging barkada ko rin.”
“Nahilig din ako sa rough games ‘nung bata ako tapos katulad ngayon, gamer ako, naglalaro ako ng DOTA, naglalaro ako ng ML (Mobile Legends), halos puro panlalaki na games. Pero ayun nga, ‘yun ang dahilan kung bakit one of the boys ako,” dagdag pa ni Shaira.
Samantala, patuloy naman ang paghahanda ni Shaira sa upcoming action-packed series ng GMA Public Affairs na Lolong.
***
Barbie Forteza at Jak Roberto magkasama sa endorsement project
May bagong dapat abangan ang fans mula sa Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto dahil mayroon na silang kauna-unahang endorsement together.
Post ni Jak sa Instagram, isa itong milestone para sa kanilang dalawa ni Barbie kaya naman ipinasilip nila ang ilang kuha mula sa kanilang shoot sa latest vlog niya.
“Working with Barbie on teleseryes is one thing but having our very first endorsement together is such a fulfillment for both of us. The whole shoot went smoothly and we all had fun.
“Barbie and I didn’t even get to sleep the night before the shoot because of excitement. We hope you like this vlog,” lahad niya.
Panoorin ang behind-the-scenes sa kanilang K-drama inspired shoot sa YouTube channel ni Jak.
***
Bilangin ang Bituin sa Langit, balik-telebisyon na
Tiyak na masaya ang loyal viewers ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ sa pagbabalik-telebisyon nito ngayong Disyembre sa GMA Afternoon Prime.
Matutunghayan nang muli ang madamdamin at nakakaantig sa pusong kwento ng mag-iinang inapi at maghihiganti sa angkang nagdulot sa kanila ng hirap at pighati.
Noong nakaraang buwan ay sumabak sa 23-day lock-in taping sa San Mateo, Rizal ang cast ng Bilangin ang Bituin sa Langit na pinangungunahan nina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, at Nora Aunor. Kasama rin sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Yasser Marta, Candy Pangilinan, at Divina Valencia.
Pagbabahagi ni Kyline, hindi raw dapat palampasin ang mabibigat na eksena sa fresh episodes ng afternoon series. “Every week, iba’t iba ‘yung pasabog ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ at mabibigat. ‘Yun ‘yung isa sa mga challenge na sinabi naman sa amin ni Direk.”
Tutukan ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ng Bilangin ang Bituin sa Langit ngayong Disyembre na sa GMA-7.