Advertisers

Advertisers

2 drug pusher arestado sa Munti

0 6

Advertisers

ARESTADO ang dalawang drug pushers nang makuhanan ng 100 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 sa buy bust operation sa Muntilupa City, Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nadakip na sina Joehar Sangki alyas “Datu Tokie”, 33-anyos; at Elenor Panes, 41.

Ayon kay Major General Jose Melencio C. Nartatrz Jr, Director NCRPO, 5:45 ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang Muntilupa Police Station sa Posadas Avenue, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.



Narekober sa mga suspek ang 100 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.00 at buy bust money.(Mark Obleada)