Advertisers

Advertisers

Sunog sumiklab sa Paco Market, iskul, PGH

0 7

Advertisers

NADAMAY ang isang Catholic School nang sumiklab ang sunog sa Paco, Maynila, Sabado ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, umabot ang sunog sa ika-limang alarma, 8:37 ng gabi.

Nakadagdag pa ang mabilis na paglamon ng apoy sa mga hilera ng mga tindahan at bahagi ng gusali ng Paco Catholic School sa Pedro Gil, Paco.



Partikular na nasunog ang San Pedro Calungsod Building ng nasabing paaralan.

Samantala, muling sumiklab ang sunog sa Philippine General Hospital 11:00 ng gabi, na halos kasunod lamang ng sunog sa Paco, na natupok 12:00 ng hatinggabi.

Tinitingnan sanhi ng sunog sa Ward 11 ng PGH ang electrical wire, habang inaalam pa ang mitsa ng malawakang sunog sa Paco na nagsimula sa commercial area. (Jocelyn Domenden)