Advertisers

Advertisers

Politika sa pamamahagi ng relief goods

0 442

Advertisers

HINDI na dapat pinopolitika at pinagtatalunan ang pamamahagi ng relief goods ng mga halal na opisyal ng gobyerno.

Sa panahon ng kalamidad, sa halip na silipan, siraan at intrigahin ang isang opisyal na naunang namamahagi ng relief goods, ito’y dapat papurihan at palakpakan.

At kung may netizens mang umiintriga sa opisyal na hindi kaagad nakakapag-response sa panawagan ng mga humihingi ng tulong sa kasagsagan ng unos, aba’y huwag dapat maging balat-sibuyas dahil hindi natin masisisi kung kayo ay kanilang hanapin o tawagan dahil kayo ang nasa puwesto, ang may hawak ng command para kaagad kumilos ang mga ahensiya para sa rescue at pamamahagi ng relief goods.



At kung kayo man ay naunahan ng pagkilos ng kapwa opisyal, magpasalamat nalang, papurihan ang naunang nakapag-response at suportahan narin para lalong maging epektibo ang pagpaparating ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Hindi yung iyong aatakehin, hahamakin, pipersonalin at pagbabantaan dahil sa akalang kino-kompetensiya ka sa pagseserbisyo sa mamamayan.

Ngayon kung ayaw mo talagang nauunahan ka ng pagsagot sa mga nagsusumamo ng tulong, aba’y maging alerto ka sa lahat ng dumarating na kalamidad. Dapat ora mismo ay lumalabas ka sa TV, nagsasalita sa radio lalo sa social media para malaman ng mga tao na nandiyan ka at gumagawa na ng paraan para makapagresponde, hindi iyong kinabukasan o sunod na araw ka pa magsasalita o magpapakita. Aba’y hahanapin ka talaga ng mga naghalal sayo, Sir/Ma’am!

Anyway, lesson narin ito para sa mga botante. Kaya sa darating na eleksyon alam nyo na kung sino ang dapat ninyong ihalal: Ang taong puros tulog o ang taong puros tulong sa oras ng pangangailangan?

God bless po sa ating lahat. Keep safe!

***



Bilib kay Chairman Delfin
ng Bgy. 718, Manila

“Sir Joey nais ko lang papurihan ang aming chairman dito sa Barangay 718 sa Leveriza st., Malate, Manila na si Mark Delfin.

Oo. Kahanga-hangang action man ang aming tserman. Dati talamak ang bentahan ng droga dito. Kung sinu-sino ang inyong makikitang mga adik at drug pushers. Pero nang maging tserman si Mark Delfin winalis niya ang drug pushers at mga adik. Sabi ni Tserman sa kanila: ‘Umalis kayo dito. Kapag hindi kayo umalis may paglalagyan kayo!’.

Hindi natakot si Chairman Delfin sa kanila. Ito ang tserman na may dangal at prinsipyo. Action man ika nga. Ngayon lang nangyari ang ganito sa aming barangay. Sana lahat ay katulad niya, hindi lang sa Leveriza at Malate kundi sa buong Maynila.

Mayor Isko Moreno, ang ganitong tserman ang dapat binibigyan ng award, may loyalty at tapat sa tungkulin. Mabuhay ka, Chairman Delfin! – Concerned resident

***

Massive dredging at flood control projects ang nakikitang paraan ng gobyerno para maiwasan ang malawakang pagbaha sa tuwing bumuhos ang malakas na ulan.

Aba’y bilyon-bilyong taxpayers money na naman ang mauubos rito. Siguradong marami na namang opisyal ng gobyerno ang kakamal ng kickback dito.

Bantayan!