Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MULING mapapanood ang ilan sa mga dekalidad na pelikula ng GMA Network na tumatak sa Filipino moviegoers sa ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) Festival simula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 13 sa kanilang Main Feature Film Showcase.
Matutunghayan ulit ang directorial debut ng Kapuso Comedy Genius na si Michael V. na “Family History,” na nakasama niya ang aktres na si Dawn Zulueta at sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
Kasama rin sa mapapanood dito ang “Jose Rizal,” “Muro-ami,” “Moments of Love,” “Saranggola,” “Sa Pusod ng Dagat,” at “Deathrow.”
Para sa mga detalye kung paano makakakuha ng slot sa online PPP festival, bisitahin lang ang FDCP Channel website na https://fdcpchannel.ph/ at subaybayan ang updates sa GMA Network social media pages.
***
Neil Ryan Sese, tampok bilang ‘catfish’ sa #MPK
Ngayong Sabado (November 21), mapapanood muli si Neil Ryan Sese bilang isang “catfish” sa ‘Magpakailanman’.
Ang “catfishing” ay isang uri ng panlilinlang na gumagawa ng pekeng identity ang isang tao para maloko ang kausap niya online.
Gaganap si Neil bilang si Edgar, isang lalaking magpapanggap bilang ibang tao nang makikila at maka-chat niya online si Rica (Jazz Ocampo), isang high school student.
Sa araw na nagkita sila, laking gulat ni Rica na hindi si Edgar ang inakala niyang matagal na niyang nakakausap. Pero ano nga ba ang balak ni Edgar kay Rica?
Abangan ang episode na “Don’t Chat With Strangers” ngayong Sabado, November 21, 8:15 p.m. sa ‘#MPK.’
***
“My Korean Jagiya,” isa sa pinaka-memorable na experience ni Alexander Lee
Simula ngayong Lunes (November 23) ay mapapanood muli ang first-ever Filipino-Korean romantic comedy series ng GMA Network na “My Korean Jagiya” na bida sina Heart Evangelista at Korean actor Alexander Lee.
Ayon kay Alexander, very special at memorable sa kanya ang seryeng ito. Pagbabahagi niya, “Very, very special. It’s one of the best experiences and memories of my life. MKJ was my first telenovela in the Philippines and through this, I’ve learnt so much about the Filipino culture.”
Dagdag pa niya, napamahal din siya sa mga nakasama niya sa production team, “I have met so many wonderful people through MKJ, and experienced the ‘hospitality’ of Filipinos. When I was living alone in Manila while filming for MKJ, the cast and staff eventually became my family. They took care of me, invited me to their house, and we made so many sweet memories together. It was such a blessing.”
Muling abangan ang nakakakilig na kuwento nina Gia (Heart) at Jun Ho (Alexander) sa “My Korean Jagiya,” ngayong Lunes na, 10:00 p.m. sa GMA.