Advertisers

Advertisers

PALPAK NA NAMAN

0 817

Advertisers

IKINALULUNGKOT namin na sabihin na sa tuwing babanat si Rodrigo Duterte at mga kampon kontra kay Bise Presidente Leni Robredo, humahaba ang pila ng mga sasakyan upang ibigay ang kanilang mga ambag sa mga nasalanta ng mga bagyo. Nagdadagsaan ang donasyon sa Office of the Vice President sa New Manila, Quezon City.

Hindi magkamayaw ang tuwa ng Bise Presidente at mga staff at volunteer sa OVP. Hindi sukat akalain na ganyan katindi ang sagot ng mga tao sa walang pakundangang paninira ni Duterte at mga kampon sa kanya. Hindi inintindi ang mahabang pila sa OVP upang magbigay ng kanilang mga ambag. Mas pinagtitiwalaan nila ang Bise Presidente.

Naunang ibinalibag ni Duterte ang lababo kay Leni. Walang epekto. Pinagtawanan lamang ang tila nababaliw na si Duterte. Hindi natinag ang Bise Presidente. Sa huli, inamin ni Delfin Lorenzana at Sal Panelo na nagbigay sila ng maling impormasyon kay Duterte. Humingi sila ng paumanhin sa iginagalang na Bise Presidente.



Hindi humihingi ng paumanhin ang makasariling si Duterte. Pinakawalan ang asong si Harry Roque at inupakan ang tatlong anak ng Pangalawang Pangulo. Hindi pinansin ng madla si Harry dahil alam nilang bihasa ito sa pagsusubo ng fake news. Tulad ng nakagawian, pinagtawanan lamang si Harry.

Sumunod na pinakawalan ang isa pang aso – si Menardo Guevarra na nanombrahang pinuno ng anti-corruption task force. Hindi basta kumahol si Gueverra. Nagbanta na uusigin si Leni sa anumang korapsyon sa kanyang tanggapan. Tulad na nakagawian, pinagtawan si Guevarra sapagkat batid na marami na panggigipit lamang ang kanyang pahayag. O kayabangan ng isang inutil na lingkod bayan.

Hindi kailangan na lumayo ang walang silbi na si Guevarra upang madiskubre ng korapsyon sa gobyerno. Napakaliit ng budget ng OVP sa taong ito. Wala sa P1 bilyon ang nakalaang pondo sa OVP at kulang na kulang ito sa maraming proyekto ng Bise Presidente. Ipinapanukala ng ilang mambabatas na lakihan sa budget sa P1 bilyon sa pambansang budget sa 2021.

Bakit hindi pagtuunan ng pansin ni Guevarra ang P17 bilyon korapsyon sa pagdaraos ng 2019 Southeast Asian Games at P15 bilyon na pinaniwalaang kinurakot sa Philhealth? Marami siyang maipakukulong na matabang isda tulad ng sinibak na ispiker ng Kamara de Representante na si Alan Peter Cayetano at ang kanyang alalay na si Kin. Bambol Tolentino ng Cavite at maging ang pangkat ni Ricardo Morales ng Davao City.

Sadyang walang gulugod (spine) si Guevarra upang habulin ang mga mandarambong sa kaban ng bayan. O baka naman inilagay siya ni Duterte sa anti-corruption task force upang magbigay ng proteksyon sa mga mandarambong? Mukhang inililihis lamang ni Guevarra ang atensyon ng sambayanan sa mga totoong isyu na dapat tutukan.



May sinabing makabuluhan si Sony Rodriguez, isang netizen, sa isang post namin sa social media. Aniya:

“And now, in line with the old fool’s tantrums, DOJ wishes to investigate the OVP relevant to corruption. Probes for corruption are to be made on the assumption that our coffers were pilfered.

And with the meager amount of budget allotted to the OVP, their accusation or insinuation was callous, uncalled for and absolutely ridiculous.

“Probably, they want to investigate the receipts and disposals of donations from private sectors ?? For once, even if this probe is purely a harassment and a total waste of time and taxpayers’ funds, I would suggest bringing it on to finally clear the matter, not to mention that this is an additional nail to their coffins. These idiots clearly never use the contents of their noggins properly.”

Saan hahantong ang walang katuturang banat sa Bise Presidente? Pakinggan natin ang kuro-kuro ng ilang netizen:

“An honest investigation of OVP transactions would only strengthen the integrity of the office,” ani Ed Zafra. Ani Art Ty Kho: “This is the start of the build-up to 2022 of the peoples resistance to the evil regime.” Mula kay Maria Lilibeth Benosa: “It’s the true trust rating.”

Mula kay Sahid Sinsuat Glang, isang retiradong sugo: “I like the old man to continue insulting VP Leni. Digonyo will be the VP’s most effective PR man and campaign manager. When a liar accuses an honest person, people can easily pick up the stark contrast.”

Hindi papalayo si Ruben Olayao: “Parang cine lng. Yung mga kontrabida, lahat ginagawa para mapabagsak yun bida. Instead, sila ang napapahamak sa sarili nilang gawa. Palibhasa bukod sa tabogo, masama ang hangarin eh.” Ayon kay Ding Remigio: “Nag backfired ang mabahong bunganga ng buang.” Ani Ej Jurilla: “She makes more sense than this entire administration.”

May intelihenteng opinyon si Luisito Nicolas Salud: ” The amount of donation is huge. Maybe there are big companies donating big amount of cash but don’t want to come out in the open so as not to get the ire of the madman.” Ani PL: “Banat pa more… Anyway, it only goes to show donors don’t trust Duterte and his government. They prefer to deal with the VP. They know their donations will reach the typhoon victims and their families …”

Pahimakas ang mga salita ni Marlon Ramos, isang mamamahayag: “Habang patuloy sya sa pagtulong kahit na binabastos, iyong isang kulugo patuloy sa pagtulog at pambabastos.” Ani Mackoy Villaroman: “He has lost the confidence of his people.”

***

KAPANSIN-PANSIN ang halos kawalan ng ng foreign aid sa mga biktima ng bagyo sa bansa. Hindi maihahambing ang tulong na ibinigay ng maraming bansa ng walisin ni Yolanda ang Tacloban City noong 2013. Biglang dumagsa ang tulong mula sa maraming bansa – Estados Unidos, Australia, Israel, New Zealand, mga bansang kasapi ng ASEAN at European Union, Japan, South Korea, at iba pa.

Maraming bansa ang nadale ng coronavirus, iyan ang karaniwang paliwanag. Dapa rin sila sa masamang epekto ng virus. Tumulong ang European Union bagaman nagbigay ng katumbas ng P60 milyon. Mukhang token lamang. Iyong iba, pasimple lamang at ibinigay sa OVP at hindi sa anumang ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD.

Ngunit ang nakatagong paliwanag ay ang pagmamatigas ng gobyernong Duterte sa usapin ng karapatang pantao. Hanggang hindi tinatanggap ni Duterte ang karapatang pantao, lalayo ang international community sa kanya. Masahol pa sa ketongin si Duterte. Walang respeto sa kanya.