Advertisers

Advertisers

ILOILO REPRESENTATIVE GARIN PINAAARESTO NG KORTE!

0 495

Advertisers

Sa kontrobersiyal na DENGVAXIA VACCINES na daan-daang mga batang naineksiyunan ang dumanas ng mala-torture na kamatayan ay naglabas na ng kautusan ang QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT para sa pag-aresto kay dating HEALTH SECRETARY at ngayo’y 1st DISTRICT ILOILO CONGRESSWOMAN JANETTE GARIN at iba pa niyang kasamahang nasasangkot sa pagpapaimlementa noon ng pagpapabakuna sa mga batang mag-aaral laban sa sakit na DENGUE.

Bunsod nito ay itinakda na rin ni QCRTC BRANCH 107 JUDGE JOSE BAUTISTA JR. ang ARRAIGNMENT ni GARIN sa November 27 hinggil sa kasong “reckless imprudence resulting in homicide” dahil sa sinapit na kamatayan ng 2 batang mag-aaral kaugnay sa pagkakabakuna ng DENGVAXIA.

Ilan sa mga kasamahan ng naturang dating HEALTH SECRETARY sa nasabing kaso ay nakapagpiyansa na sa MUNTINLUPA CITY METROPOLITAN TRIAL COURT at sa iba pang korte.., na sina GARIN, STANISLAS CAMART, JEAN LOUIS GRUNWALD at JEAN FRANCOIS VACHERAND ng SANOFI PASTEUR INC na nagmanupaktura ng DENGVAXIA VACCINES ay pawang hindi pa nakapagpiyansa; kung saan ay binigyan ng tsansa ng korte ang mga ito upang makapaglagak ng kanilang piyansa sa loob ng 3-araw sa oras na matanggap ng mga ito ang nasabing order.



“The arraignment of all the accused shall proceed without prejudice to whatever will be the ruling of the Honorable Supreme Court in the case pending before it in relation to this case,” pagpupunto ni JUDGE BAUTISTA JR sa kaniyang inilabas na OMNIBUS ORDER na may petsang November 18, 2020.

Sa itinakdang ARRAIGNMENT ay pinaaalalahanan ng korte ang panig ng Public Prosecutor at ng Defense Counsels na sundin ang protocol sa pagdalo sa court hearing sa QUEZON CITY HALL OF JUSTICE.., na kailangan aniyang magsuot ang mga ito ng face mask, face shield at ang pagpapairal ng physical distancing sa lahat ng panahon.

Ang pamilya ng nasawing batang si MARC-AXL EBOÑA ang nagsampa ng kaso sa MUNTINLUPA CITY METROPOLITAN TRIAL COURT laban kay GARIN, HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III; PHILIPPINE CHILDREN’S MEDICAL CENTER (PCMC) EXECUTIVE DIRECTOR JULIUS LECCIONES at sa mga dati at aktibong opisyales ng DEPARTMENT OF HEALTH, FOOD AND DRUG ADMINISTRATION at RESEARCH INSTITUTE FOR TROPICAL MEDICINE gayundin sa mga SANOFI EXECUTIVES.., at ang SECURITY GUARD na si IAN COLITE (ama ng batang nasawing si ZANDRO COLITE) ay sa IMUS, CAVITE naman nagsampa ng kaso laban sa mga sangkot sa DENGVAXIA CONTROVERSY.

Gayunman, sinusuwerte itong si HEALTH SECRETARY DUQUE dahil inabsuwelto siya ng STATE PROSECUTORS sa depensang wala umano itong pananagutan sa sinapit na kamatayan ng mga batang mag-aaral na ineksiyunan ng DENGVAXIA VACCINE.

Noong taong 2016 ay gumastos ang DOH sa pamamagitan ng PCMC ng halagang P3 bilyon sa inilunsad na MASS VACCINATION OF SCHOOL CHILDREN laban sa sakit na DENGUE.



Ang SANOFI naman ay naglabas ng kanilang official statement noong 2017 sa pamamagitan ng kanilang website na ang DENGVAXIA VACCINE ay para lamang sa mga nagkasakit na ng DENGUE .., dahil, kapag tinurukan ng DENGVAXIA ang hindi pa nagkaka-dengue ay may masamang epekto sa katawan.

Masaklap, sa panahon ni GARIN noong siya ang HEALTH SECRETARY ay MASS DENGVAXIA VACCINATION ang kanilang inilunsad na lahat ng mga mag-aaral na mga bata…, nagka-dengue at hindi pa nagkaka-dengue ay pinagbabakunahan. Siste, paglipas lang ng ilang araw ay marami na sa mga iniksiyunan ang dumanas ng matinding pananakit ng kanilang mga katawan.., umaaringking sa sakit na kanilang nararamdaman hanggang sa may dugong naglalabasan na sa mga butas ng kanilang katawan at halos nagsabay-sabay ang mga batang isinugod sa iba’t ibang pagamutan.

Mangilan-ngilan lamang ang naisalba pero mayorya sa mga bata ay nangamatay dulot nang mala-tortyur na sakit ng kanilang mga katawan; kung saan, ang mga ito ay pawang hindi pa nagkaka-dengue na binakunahan ng DENGVAXIA.

Marami sa mga biktima ang humingi ng asiste sa tanggapan ni PUBLIC ATTORNEYS OFFICE CHIEF PERSIDA ACOSTA.., na ang mga nangamatay ay isinailalim sa FORENSIC EXAMINATIONS at lahat ay parepareho ang kinasapitan na lomobo ang kanilang mga laman-loob, nagdugo at namaga ang mga utak.

Sa ilang naging panayam ng ARYA sa mga pamilya ng mga namatayang anak ay parepareho ang kanilang mga anak na dumanas ng matinding kirot, pananakit ng mga katawan na sumisigaw sa pag- iyak sa matinding sakit na nararamdaman hanggang sa may mga dugo nang naglalabasan sa mga mata, ilong, bibig at taynga.., na halos ay ikadurog ng kanilang puso at hindi matagalan kundi ang maghagulgulan na lamang sa pag-iyak ang buong pamilya sa mala-tortyur na pagkamatay ng kanilang kapamilya.

Eto ang dapat na masubaybayan ng sambayanan kung magkakaroon ba ng hustisya ang mga naging biktima ng programa ng gobyerno na inilunsad nang hindi binubusisi ang mga prescription ng kaukulang gamot tulad ng DENGVAXIA na ang dapat lamang mabakunahan nito ay yaon lamang mga nagka-dengue!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.