Advertisers
Demoralisado as in may mabigat na sentimiyento ang mga miyembro ng Pangasinan Provincial Police Office sa ilalim ng liderato ni Colonel Redrico Maranan.
Patungkol ito sa tila diskriminasyong umiiral sa pagtrato ni Maranan sa kanyang mga kapulisan diyan sa provincial police command.
Kapag isa ka umanong LAKAN o graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA), makakasiguro kang may lalandingan kang magandang puwesto sa liderato ni Maranan.
Malapit sa puso ng Provincial Director ang kanyang mga schoolmates mula sa PNPA na kung bansagan ay mga LAKAN.
Noong mga nagdaang panahon kung saan tumatanggap pa ng mga graduates ng Philippine Military Academy (PMA) sa hanay ng kapulisan, ganito rin ang sentimiyento ng marami sa mga kasapi at opisyal ng PNP.
Mga mistah naman ng PMA ang pinagkakalooban ng VIP treatment at nalalagay sa juicy positions.
Nang di na nag-a-absorb ang PNP ng mga graduates ng PMA, unti-unting nawala ang sentimiyentong ito hanggang magpasukan na sa senaryo ang mga tinaguriang LAKANs.
Natabunan ang mga deserving at magagaling na opisyal na “rose from the ranks” o yaong mga pulis na pumasok sa serbisyo sa ranggong Police Officer 1 (PO1).
Hindi magandang tanawin ito sa layon ng pambansang kapulisan na makapagkaloob ng isang malinis,epektibo at tunay na pagseserbisyo sa mamamayang Pilipino.
Magdudulot ito ng pagkakahati-hati sa kanilang hanay.
Pangalawa ay yung demoralisasyon din at disgusto sa uri ng pamamalagay ni Colonel. Maranan.
Eto rin marahil ang dahilan kung bakit nakakarating sa kaalaman ng media o ng working press ang mga sikreto at vertical na diskarte sa loob ng Pangasinan PNP.
Ang pag-iral at paglaganap ng iligal na droga at sugal sa kanilang area of responsibility (AOR).
At ang isyu sa multi-milyon pisong payola na umano’y regular na kinokolekta ng isang pulis na kinilala sa alyas na PIDLAWAN mula sa illegal activities na ito.
Isa pang mabigat na isyung pumuputok ay ang tungkol sa intelligence fund ng bawat lokal ng pamahalaan sa isang siyudad o bayan kung saan inaatado umano ito sa tatlong masuwerteng indibidwal na kinabibilangan ng provincial director ng PNP na si Maranan nga, chief of police (COP) at kung sino ang nakaupong alkalde o local chief executive ng lungsod o bayan sa Pangasinan.
Tig-tatlumpung porssiyento (30%) ayon sa patas na paghahatian at ang nalalabing 10% sa kabuuang intel fund ang natitira na lamang para sa legit o tunay na pangangailangan.
in short, kinakatkong o dinudugas sa direktang lengguwahe!
Nais pa umano ni Colonel Maranan na magtala ng mataas na accomplishment reports ang kanyang mga kapulisan kahit pa nga masasabing generally peaceful ang peace and order ng lalawigan.
Kapag wala kang accomplishment report, agad kang aakusahan ng pagmamalatuba sa puwesto!
Ang tanong ng mga pulis-Pangasinan, paano kung wala talagang violators ng krimen lalo na patungkol sa illegal drugs? Lalo na sa area kung saan nalinis na ang mga barangays at idineklara nang drug-free?
Kailangan bang magtanim ng droga para lamang pagkaroon ng accomplisment na gusto ni Col. Maranan?
Hindi rin umano makatao ang turing ni Maranan sa kanyang mga pulis na kanyang sinisilip at laging pinagsususpetsahan.
Laging tamang hinala umano itong si Maranan hanggang sa irekomenda nito ang paglalagay ng mga CCTVs sa mga checkpoint at strategic locations na kinaroroonan ng kanyang mga pulis.
Sa ganitong sistema ayon pa kay Maranan, sigurado umano nitong mamo-monitor ang bawat kilos ng kanyang mga tauhan.
Ang siste nga, hindi parehas si Maranan pagdating sa mga LAKAN at mga ordinaryong kapulisan.
Kapag ang mga LAKAN ang may sablay o indulto, todo-pasa lamang umano si PD Maranan pero kapag non-LAKAN ka, tapon ka panigurado sa kangkungan in some cases, ia-assign ka sa mga sementeryo ng probinsiya hehehe!
Malupit pala talaga itong dating City Director ng Marikina City kung kaya’t ipinatanggal ni Mayor Marcy Teodoro.
Hindi rin umano parehas sa pagkakaloob ng mga assignments itong si PD Maranan sa kanyang mga kapulisan kung kaya’t may ilang bayan sa lalawigan ang kulang na kulang sa mga pulis.
Kailangan bago ka maging hepe ng isang bayan ay isa kang LAKAN o kung hindi man ay malapit ka sa kanya.
More on Colonel Maranan on our next issues.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com