Advertisers

Advertisers

Living La Viva Loca

0 37

Advertisers

Ni NICK NANGIT

NGAYONG nagsimula na ang Pluto Retrograde, tignan natin ang magiging epekto nito sa ilang baguhan sa showbiz.

Unahin natin si Atasha Muhlach. Unika iha siya nina Bagets hearththrob Aga at beauty queen Charlene Gonzalez. Ani Veronique, Presidente at COO ng VAA, complete package raw ito. Marunong umarte, sumayaw, at kumanta.



Isang Scorpio Snake si Atasha. Dahil mismong ruling planet niya ang mag reretrograde – o astang pabalik sa ating Planeta habang umiikot sa Araw – ramdam nito ang pressure ng showbiz. Sa katunayan, pati mga magulang niya na fixed signs din (Leo at Taurus) ay mararamdaman ang pressure.

Ibig sabihin, maghahanap ng mas malalim na dahilan si Atasha sa pakikipag-ugnayan niya sa mundo ng showbiz. Marami kasing malalantad sa kanya na mga ugali, gawi, at kalakaran. Nandiyan ang mga totoo at hindi. Nasa sa kanya na kung masasakyan niya ang mga ito o susubukan lamang, at magiiba rin ng landas kalaunan kung saan ay mas makakasundo na niya ang mga tao. Sa ngayon ay nag eenjoy naman si Atasha sa TV5. Ang kagandahan nito ay tapos na siya sa pag-aaral ng Business Management.

Kung ganong ka-excited si Atasha, siya namang nag alangan ang kambal niyang si Andres. Pero, pumirma na rin pala ito sa VAA. Malamang susubukan lang nito ang mundo ng aliwan at, kung kakayanin ang kumplikadong mundo ng telebisyon at pelikula.

Prayoridad kasi sa panahon ngayon ng mga Scorpio ang pag-iipon at hindi basta pakikipagrelasyon, kaya nga wala pa siyang girlfriend. Tila may hinahanap pa ang binata na malalim na dahilan, para mas mabilis umunlad ang buhay sa labas ng anino ng kanyang mga magulang. Laking España kasi si Andres at dito na raw niya tatapusin ang pag-aaral ng kursong business at communications.

Sagittarius Rabbit naman si Heaven Peralejo. Napansin siya hindi lamang sa PBB, kundi maging sa pelikulang Nanahimik ang Gabi. May degree din ito sa kursong business management. Ang taong 2023 ay medyo mabigat sa kanya, subali’t mas gagaan na ang karir niya ngayong 2024. Pangunahin kasi sa kanya ang estabilidad ng kabuhayan. Pangalawa lamang ang relasyon. Tahimik lang siya na nagmamasid, pero kaya niyang maging mag-isa, dahil laging maaliwalas ang kanyang pananaw sa mundo ng showbiz.



Lalong malalantad ang mga plano niya at makikilala lalo siya sa 2027. Mas mapapaaga ito kung isasabak siya sa tambalan nila ni Alden Richards. Saka na lang natin kikilalanin ang boyfriend niyang si Marco Gallo, dahil tila hindi ito kasing kinang, lalo na’t hindi kasundo ng Dragon ang Taon ng Dragon.

Kaya, ating tuunan ng pansin muna ang pilyo at masayahing si Jerome Ponce. Isa siyang Gemini Pig. Kung noong isang taon ay bumongga siya, medyo sakto na lang muna ang magiging takbo ng kanyang karir ngayong 2024.

Malaki ang potensyal ng binata, lalo pa noong gumanap siya sa HLG taong 2019 at sa MoM ni Direk Darryl Yap taong 2023. Magiging hamon sa kanya ang relasyon at pag-iipon dulot ng Pluto Rx. Tila naghahabol kasi siya, pero iniisip din niya kung tatapusin niya muna ang pag-aaral sa Mapua. Mas magtatagumpay siya kung uunahin muna niya ang talagang magpapasaya sa kanya, kaysa sa gusto ng iba para sa kanya, gaya ng iba pang Gemini.

Yun na muna mga Kabunganga Nicksters. Subaybayan ninyo ang mga susunod pang updates ngayong buwan ng Mayo tungkol sa libreng konsiyerto na pinamagatang Timeless 2 sa lungsod ng Maynila. Fusion ito ng musika, sining, at kulturang Pinoy.

Sali din kayo sa KKK Live at panoorin ang mga vlogs ng Nickstradamus channel sa YouTube at sa magiging bagong channel nito at website, para mas matuto at matuwa sa mga ihahandog naming paksa, kasama ang maraming OFWs. Hanggang sa muli, Light Love and LIfe, lalo na kay R, Namaste!