Advertisers

Advertisers

Puganteng American national na nahuli sa Maynila, idedeport ng BI

0 11

Advertisers

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng American national na wanted ng federal authorities sa Texas dahil sa kanyang ginawang krimen.

Kinilala ni Commissioner Norman Tansingco ang puganteng si Myklr Aphrodite, 43, na naaresto noong Huwebes sa Roxas Blvd, Ermita, Manila ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy.

Nabatid kay Tansingco na si Aphrodite ay naaresto sa bisa ng mission order na kanyang inilabas sa kahilingan ng US embassy sa Maynila na humingi ng tulong sa BI para matukoy ang hi kinaroroonan ng pugante.



Nakapiit ngayon Ang banyaga sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation nito.

Ayon sa US authorities, si Aphrodite ay subject ng outstanding arrest warrant na inilabas ng US district court sa Mclennan county, Texas noong Disyembre ng nakaraang taon.

Siya ay ipinagharap ng kaso sa nasabing korte dahil sa iligal na paggamit ng criminal instruments na isang paglabag sa Texas penal code.

Sa ilalim ng nasabing penal code, ang isinampang kaso kay Aphrodite ay dahil sa pagkakaroon niya o possession ng criminal instrument or mechanical security device na may intentensyong gamitin ang instrumento sa paggagawa ng krimen.

Ayon kay Tansingco, tulad din ng ibang dayuhang pugante na naaresto ng BI, si Aphrodite ay maisasama sa BI blacklist at hindi na muling papasukin sa bansa. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)