Advertisers
Ano nga ba ang mga kaganapang nag- aantay at inaasahan natin dyan sa Paranaque City ngayong papalapit na ang 2025 local elections?
Will the sitting Mayor Eric Olivarez seeks another term of office as chief local executive ng progesibong siyudad o bumalik na lamang ito sa Kongreso na tatlong termino (9 years) niya ring pinamahayan?
All indications point to the return of Kuya Edwin Olivarez and his ever dependable and effective hard- working team.
Eh paano na yung mga basurang bitbit ni Mayor Eric nang umakyat ito sa city hall June of 2022?
Di naman kaya magmarakulyo ang mga kupal na ito ngayong nagbabadya nang sila ay mapalayas sa poder na in the first place ay wala naman silang karapatang hawakan at pamahalaan.
Ang bilis talaga ng oras!
Singbilis ng pagkabulok nila sa tangkay ng panahon.
Parang mga basurang nangangamoy.
Ang bilis kasing nagpakilala at maglabas ng tunay na kulay.
Sa loob lamang ng halos dalawang taon sa puwesto,ipinakita na ang pagiging ganid at sugapa sa kuwarta.
No need to mention names!
Kahit simpleng janitor sa city hall kilala ang mga animal na ito.
Kahit tindera nga ng ulam sa kantina sa labas ng city hall,kilala ang mga manyakaw (manyak na,magnanakaw pa) na ito.
Never sa termino ni Kuya Edwin Olivarez nakapangyari ang mga katarantaduhan at kaputahang ito in the expense sa interes ng mga mamamayan ng Paranaque.
Kaya naman very eager at sabik na sabik na ang mga Paranaquenos na bumalik na sa city hall ang pamosong working team ni Kuya Edwin.
Speaking of the formidable team ni Kuya Edwin,expected na rin ang magiging tandem ulit nito kay Konsehal Rico Golez na sinasabi ng marami na walang katapat at tatalo kahit maging bukas na ang eleksyon.
Subok na kasi ang kalidad ng serbisyo publiko ng unbeatable tandem na ito.
Maganda ang chemistry at maayos ang relasyon ng office of the mayor at ng konseho.
Suportado ng Konseho si Kuya Edwin and vice versa.
Inaasahan na ang pagbabalik sa poder ng mga simple pero epektibong department heads nito na gaya nina Ding Soriano,Eva Nono and the likes.
Mga opisyal na madaling kausap at magalang makiharap sa tao lalo na sa mga miyembro ng media.
Sad to say,we can not declare the same thing sa present set of officials na tao ngayon ni Mayor Eric Olivarez.
Iba ang sinasabi kesa sa ginagawa.
Parang walang respeto kay Mayor Eric Olivarez.
Ilang beses na ba nating nasaksihan ang mga simpleng instructions ni Mayor Eric sa kanyang mga trusted people na binasura lamang ng mga nito.
Walang kamandag ang mga salita ni Mayor Eric sa mismong mga tauhan nya.
Palibhasa,mga pinulot lang kung saan ang mga basurang ito ng taong nagrekomenda kay Mayor Eric.
At kung may ilan pang- umaasa na makakapanatili pa ang mga basurang ito sa kanilang present positions dyan sa city hall,bumiyahe na sila sa moon.
Blood is thicker than water at ang usapang pamilyang ito para sa pagbabalik ni Kuya Edwin Olivarez sa city hall ng Paranaque ay tila isang gospel truth na makakapangyari at magaganap come what may!
Ngayon pa lang, binabati na natin sina Kuya Edwin Olivarez at Kuya Rico Golez.
Welcome back mga tunay na idol!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com