Advertisers
Patay ang isang katao at apat ang sugatan sa nalaglag na steel bar para sa ginagawang Skyway project fell nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 21 sa Muntinlupa city.
Habang isinusulat ang balitang ito inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Bukod sa mga sugatang biktima, nawasak din ang isang taxi, L300 van, Adventure at 2 motorsiklo.
Sa ulat, 8:60 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahagi ng East Service Road sa Muntinlupa City at nalaglagan steel girder ang tatlong kotse at tatlong motorsiklo habang inilalagay ito sa Skyway project sa Muntinlupa.
Sa paunang pahayag ng EEI Corporation, ang contractor ng proyekto, ipinoposisyon ang crane nang tumagilid iyo at tinamaan ang nakalatag na steel girder, na bumagsak naman sa ibaba.
Sa isa pang video mula kay Maricris Alberto, mapapanood na nagmintis ang girder sa iba pang sasakyan na patungo sa direksyon ng Alabang.
At mapapansin din na ilang metro na lang ay maaaring nabagsakan din ang hilera ng mga bahay sa gilid ng East Service Road.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang nasabing insidente. (Gaynor Bonilla)