Advertisers

Advertisers

31 Immigration personnel kabilang na sa Philippine Air Force bilang reservists

0 10

Advertisers

PANIBAGONG batch ng mga immigration officers ang pinanumpa bilang mga reservists ng Philippine Air Force (PAF) noong May 4.

Sa isang seremonya sa Philippine Air Force Gym, Villamor Air Force Base, Pasay City, may kabuuang 31 immigration personnel ang naging mga reservists makaraang makumpleto ang three-month Basic Citizen Military Training.

Si BI Deputy Commissioner Joel Anthony Viado ang dumalo sa nasabing pagtitipon at nagsilbing witness sa swearing-in ceremony.



Ang grupo ang siyang ikatlong batch ng immigration personnel na nakakumpleto ng programa, na nagpapakita na ang Bureau of Immigration’s (BI) personnel ay may kakayahang mag-ambag sa national defense.

Sa kanilang training, ang mga immigration personnel ay sumailalim sa matinding pagsasanay sa military tactics, discipline, at leadership.

Ang mga bagong nanumpa ay magiging kabilang na sa PAF – Air Force Reserve Center, at mag-o-operate sa ilalim ng 1st Intelligence Security Wing Reserve.?

Ang nasabing batch ay inaasahan na mag-ambag sa pangangalaga ng bansa at mapalakas ang security measures bilang bahagi ng PAF’s reserve team.

Pinuri naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang bagong batch ng graduates.



“These personnel have gone above and beyond their duties to serve their country,” sabi ni Tansingco.

“We commend their efforts and their dedication to the flag,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN)