Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
AYON kay Ryza Cenon, hindi niya inakalang mabubuntis pa siya dahil may problema raw siya sa matris.
Meron daw kasi siyang inverted uterus kaya naman hirap sa kanya ang manganak.
Aniya, dumating daw siya sa punto na sinukuan na niya ang pag-asang magiging ina balang araw.
“Nawalan na ako ng hope na magkakaanak ako, eh. Inverted po kasi yung uterus ko, so hindi po ako basta-basta makakabuo.”
Kaya naman, itinuturing daw niyang isang malaking himala ang kanyang pagbubuntis.
“Meron palang pag-asa, may hope pala basta huwag ka lang mag-give-up. Kaya ko palang maging isang ina. Yung feeling na nailabas mo siya,” bulalas niya.
“Kasi nag-i-struggle na po talaga ako noon, kasi one hour delivery na po siya at pagod na pagod na po ako tapos umiiyak na ako. Sabi ko, ‘Ayoko na, ayoko na.’ Pero kinaya ko para sa kanya,” dugtong niya.
Si Ryza ay ipinanganak kamakailan ang kanyang firstborn na si Night courtesy ng kanyang non-showbiz friend na si Miguel Cruz.
Si Ryza ay magbibida sa proyektong “Bella Bandida” ng Viva Entertainment.