Advertisers
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed National Budget na P4.506-T para sa Fiscal Year (FY) 2021.
Ang pondong ito ng pamahalaan ay naglalayong matugunan ang mga hakbang ng gobyerno laban sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Isinagawa ng Pangulo ang pag-apruba sa special meeting nito sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) noong July 30.
Ang naturang pondo ay 9.9% na mas mataas kumpara sa budget ngayong taon at katumbas ng 2.8% ng gross domestic product (GDP).
Nais din umano ng gobyerno na matiyak ang food security, mapalago ang pagnenegosyo sa mga public at digital infrastructure at makabangon ang ekonomiya ng bansa.
Samantala, kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Duterte isasapinal na ng DBM ang FY 2021 National Expenditure Program (NEP) at iba pang budget documents upang maisumite sa Kongreso bago ang 30-day constitutional deadline. (Josephine Patricio)