Advertisers

Advertisers

‘Druglord si Michael Yang’

0 162

Advertisers

“Si Michael Yang ang drug lord partner ni duterte simula pa sa Davao City at sya ang nagpasok ng bilyun-bilyong halaga ng shabu sa Pilipinas from 2016-2023. The war on drugs was a big lie. Ginawa ito para patayin ang competition at ma-monopolize ang illegal drug trade nila Michael Yang at digong. Bukod pa rito, sya rin ang nagnakaw ng bilyun-bilyong pondo ng gobyerno thru Pharmally.

Si Michael Yang ay isang purong Chinese citizen pero in-appoint sya bilang economic adviser ni digong para maliwanag sa mga authorities kung gaano sya kaprotektado.”

Ito ang post ni dating Senador Antonio Trillanes sa X (dating Twitter) Mayo 13, 2024, 11:09 ng umaga.



Kasunod ito ng lumabas na artikulo sa website philstar.com Mayo 13, ng taon na ipatatawag ng mga kongresista si Michael Yang upang imbestigahan sa pagkakasangkot nito sa nasamsam na shabu na nagkakahalaga ng P3 billion sa Mexico, Pampanga noong 2023.

Si Yang, na hindi manlang marunong magsalita ng kahit katiting na Tagalog, ay naging economic adviser ni dating Pangulo Rody Duterte. Natanggal lamang ito nang kuwestiyunin ang kanyang citizenship.



Si Yang ay nabanggit narin ni dating PNP Drug Enforcement Group chief Colonel Eduardo Acierto sa kanyang “expose” na ito’y isang drug lord.

Pero nilinis ni Duterte sa droga si Yang, bilyonaryong negosyante raw ito, hindi drug lord, at matagal na niyang kakilala sa Davao City.



Pagkatapos ng pagbubunyag ni Acierto laban kay Michael Yang, siya’y pinakasuhan at sinibak sa serbisyo. Nagtatago hanggang ngayon si Acierto.

Nabuhay ang akusasyong drug lord laban kay Michael Yang dahil sa pagkakasangkot ng kanyang interperter na si Lincoln Ong sa mga negosyong iniimbestigahan ng Kamara tulad ng Pharmally at Empire 999 kungsaan natagpuan sa warehouse nito ang nasa P3-billion halaga ng shabu.

Sina Michael Yang at Lincoln Ong at ilan pang Chinese na dikit noon kay Duterte ay magkakasosyo sa mga kompanyang nasangkot sa mga anomalya sa nakaraang administration.

Si Michael Yang ay hindi na matagpuan sa Pilipinas, posibleng nasa ibang bansa na ito, nagtatago.

Nabanggit din noon ni Trillanes sa Senate inquiry ang pangalan ni Michael Yang na miyembro raw ito ng international drug syndicate, pero hindi magalaw-galaw dahil sa dikit ito kay noo’y President Duterte at sa mga anak na lalaki ng dating pangulo.

Ang problema: Paano maisisilbi ang imbitasyon ng Kamara kay Michael Yang eh wala na nga raw ito sa Pilipinas?

Kung sina Pastor Apollo Quiboloy at Colonel Gerald Bantag nga na nasa Pilipinas lang ay hindi matagpuan, si Michael Yang pa kaya na wala sa bansa?

Anyway, tingnan natin kung anong diskarte ang gagawin rito ng panel nina Congressman Robert Barbers at Dan Fernandez para mapalutang si Michael Yang?

Posible, palulutangin din si Col. Acierto na siyang unang nag-expose na isang drug lord si Michael Yang.

‘Pag nagkataon, maraming sasambulat na pangalan rito ng mga dati at aktibong opisyal na nasa likod ng mga pagpapalusot ng mga iligal na droga sa bansa.

Abangan!