Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
NAIKUWENTO ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano na noong bata pa raw ang kanyang inang si Star For All Seasons Vilma Santos-Recto ay may ginawa na itong “krimen.”
Ang rebelasyon ay naganap sa unang episode ng bagong programa ni King of Talk Boy Abunda sa GMA Network, ang “My Mother, My Story” na nagsimulang umere sa mismong Mother’s Day, Mayo 12.
Noong nasa grade school pa lamang daw si Luis ay hindi maiiwasang may mga kaklase siyang nambu-bully at nakararating daw ito kay Vilma.
“Gusto ni Mommy kapag napapasuntukan, tanong niya palagi, ‘Nakabawi ka? Nakabawi ka ba?’ Kasi alam naman niya na hindi ako magsisimula ng gulo,” ani Luis.
“Hindi naman ako iyon, but sa kanya, it’s either nakabawi ka o ikaw ang nagtapos ng gulo.”
First time raw malalaman ng madlang pipol na si Vilma raw ay may sinaksak pala noong bata pa sa pamamagitan ng lapis.
“Hindi ko alam kung naikuwento sa iyo ni Mommy ito. First time ko itong ikukuwento. Hindi ko alam baka… kayo na ang bahala kung may konting criminal implications ito ha? May konti ito. Grade two si Mommy, may sinaksak ng pencil ‘yan. Totoo. Buong araw daw kasi si Mommy, nag-artista nong bata siya, buong araw, ‘Vilma… ‘yong mga nang-aasar. Ang pangalan, Restituto.”
“Si Restituto, inaasar siya, ginugulo siya, so mula no’ng subject na iyon hanggang recess, walang ibang ginawa si Mommy kundi magtasa ng pencil. Premeditated ang dating. Hindi siya ‘yong biglaan lang. Isang buong subject, nakatingin lang siya kay Restituto. Recess, si Restituto nasa monkey bars, diretso, sinaksak sa hita,” pagsisiwalat ni Luis.
Natatawa na lang ang Star for all Seasons sa ibinulgar ng panganay na anak.
Tawang tawa nga raw si Ate Vi habang kinukuwento ni Luis kay Kuya Boy ang pangyayari nang mag guest ang una sa “My Mother, My Story”
Gusto nga raw sanang pigilan ni Ate Vi si Luis pero nasa ibang kuwarto raw siya kaya nagtuluy-tuloy ang kuwento nito sa taped as live episode ng programa ni Kuya Boy, huh!
Pati nga si Ryan Christian ay napatawa na rin sa pagbubulgar ng kuya niya sa ginawa ng ina nila nung nag aaral pa Ito ng elementarya, huh!
Paliwanag ni Ate Vi tungkol dito, sinabi niyang hindi pinalampas ng paaralan ang ginawa niya at first and last time raw siyang napatawag sa Principal’s Office, huh!
***
WALA na raw balak ang aktres na si Claudine Barretto na tumakbo muli sa kahit anong posisyon sa pulitika.
Matandaang tumakbo at hindi pinalad ang magaling na aktres bilang kunsehal ng Olongapo.
Pero ngayon daw ay kinalimutan ng kapatid ni Gretchen ang pulitika.
Ayon sa nakababatang Barretto ay tama na raw yung naranasan niyang tumakbo bilang kunsehala at isang experience na raw yun na matatawag.
“Tama na yun. Kung hindi para sayo, hindi talaga para sayo,” sey pa ng magaling na aktres.
Tungkol pa rin sa pulitika, wala pa raw alam si Claudine sa lumabas na isyung kakandidato raw sa darating na eleksyon ang ate niyang si Gretchen Barretto.
Lumabas kasi ang isyung tatakbo raw bilang kongresista sa isa sa distrito ng Maynila si Gretchen, huh!
Although wala pang kumpirmasyon mula mismo kay Gretchen ay may mga pahiwatig na raw ang aktres na interesado itong pasukin ang mundo ng pulitika, huh!
“Tingin ko hindi. Hindi siguro. By now siguro kung matutuloy pero parang hindi,” sey pa ni Claudine sa isang interbyu.
Pero kung sakalıng itutuloy daw ng kapatid niya ang pagpasok sa pulitika ay nakasisigurado raw ito na susuportahan ni Claudine.