Advertisers
Sa pagsasampa ng kasong kriminal sa CAVITEX INFRASTRUCTURE CORPORATION (CIC) na subsidiary ng METRO PACIFIC TOLLWAYS CORPORATION (MPCT) laban kay PUBLIC ESTATES AUTHORITY TOLLWAY CORPORATION (PEATC) OFFICER-IN-CHARGE (OIC) DIOSCORO E. ESTEBAN ay ipinakita lamang umano ang “KABOBOHAN” ng CIC LEGAL TEAM.
Bagama’t wala pang natatanggap na kopya sa umano’y demanda ng CIC ay inihayag ni PEATC SPOKESMAN ATTY. ARIEL INTON na nakahanda umano ang kanilang hanay upang idepensa si OIC ESTEBAN laban sa anumang malisyoso at unfounded complaint .., na aniya ay kulang sa research ang CIC kaya lumalabas umano ang KABOBOHAN ng mga ito patungkol sa isyu.
Kasong PERJURY, USURPATION OF AUTHORITY at SLANDER ang kasong isinampa ng CIC matapos umanong magsumite si ESTEBAN nang walang basehang petisyon para sa MANDAMUS sa COURT OF APPEALS.., na kinakailangan umanong papanagutin si ESTEBAN sa kanyang pagiging iresponsable at hindi awtorisadong misrepresentation ng PEATC nang siya ay naghain ng petisyon laban sa CIC.
Sumumpa umano si Esteban na siya ay awtorisadong kinatawan ng PEATC sa kabila ng kakulangan niya ng BOARD AUTHORITY.., bukod pa sa may mga binitawan itong pahayag na nakasisira sa reputasyon ng CIC.
“At the outset this criminal complaint is just a useless attempt on the part of CIC to divert the real issue and that is to recover the operation and collection of fees that rightfully belongs to PEA Toll Corporation.., at ayon pa kay Atty. Criselda Funelas, kung ang isang public officer ay magpapanggap na siya ay awtorisado ng kanyang ahensya, na wala namang katotohanan, yun ay usurpation, gayundin ay perjurious ang pagsasabi raw nito habang nanunumpa sa husgado, e gayong si Philippine Reclamation Authority (PRA) Chairman Atty. Alex Lopez at ng PRA Board ang nagbigay ng authority kay ESTEBAN.., e magiging katawa-tawa lang sila,” pagpupunto ni ATTY. INTON.
Mga ka-ARYA.., mainit ang laban ng PEATC at CIC sa usaping sino ba ang dapat mangasiwa ng Tollways at kasama na rito ang pangongolekta ng toll fees na ibinabayad ng mga motoristang dumadaan dito na tinatayang humigit kumulang ay TATLONG BILYONG PISO KADA TAON!.., na ang isyung ito ay matagal nang dapat pinaglaban ng pamunuan ng PEATC at ng mother corporation nito ang PRA.
“Ang PEATC ang may mandato sa pangangasiwa at pangongolekta ng toll ways at fees.., bakit ngayon ay pinapalagan ng CIC na pangasiwaan ng PEATC ang toll operations at fees?” pagpupunto ni ATTY. INTON.
Teka nga.., magkano na ba ang maaaring kinita na ng ka Joint Venture ng Pamahalaan sa proyekto? Dahil sa hindi ang PEATC ang nangangasiwa sa toll fees ay ibabase natin sa simpleng kwenta ang sagot ayon Kay INTON.., ang nakuha ng PRA from 1998 to 2023 representing 10% sa hatiang 90/10 with CIC ay P2,582,206,817.00.., ang 90% ay para sa CIC kaya, maaring kumita na sila ng P28,504,930,328.82 gayong halagang P6.7 bilyon nabili ng grupong METRO PACIFIC ang project sa pamahalaan..,e hindi pa raw ba sila kumita riyan ayon kay INTON.
Sa pagpapaliwanag ni INTON na
kung sakaling PEATC na ang mangasiwa ng tollway fees e wala na bang kita ang CIC? Mayroon pa rin dahil mag-shift lang ang hatian ng 60% /40%.., e sa buyout na sinasabi ng Mega Pacific gusto nila lamunin lahat ito sa halagang 2.5 billion pesos.., wowww, ang natatandaan ko ay may pahayag noon ang CIC sa kanilang mga empleyado na NALULUGI sila
kaya hindi mapagbigyan ang mga empleyado na maumentuhan ang kanilang mga suweldo.., pero pursigido naman sila na bilhin ang OPERATIONS AND MAINTENANCE (O&M) ng MANILA-CAVITE EXPRESSWAY!
Kung NALULUGI bakit BIBILHIN pa.., pero ang dapat madesisyunan dahil nasa Korte na ay kailangang maideklara kung sino ang dapat mangasiwa sa OPERATIONS AND MAINTENANCE (O&M) ng MANILA-CAVITE EXPRESSWAY!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.