Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA May 29, Wednesday, ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Chances Are, You And I, na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Kira Balinger. Mula ito sa direksyon ni Catherine “CC” Camarillo.
February 2022 sila nag-shoot sa South Korea. Na-experience nila ang sobrang lamig na umaabot pa raw minsan sa -24 degrees celsius
“Nung sinu-shoot po namin dun, nasanay po ako na gumising two hours before.
“Kung ang call time ay 6:00 a.m., nagigising ako ng 4:00 a.m. kasi nag-workout pa ako nun. Nagpapa-make up na po ako, para pagdating ng 6:00 a.m., prepared na.
“Nagkakape na po ako. Ayoko kasing masyadong minamadali yung preparation,” sabi ni Kelvin sa media conference ng nasabing pelikula.
Na-link noon sina Kelvin at Kira. Pero nilinaw ng una na hindi naging sila ng huli.
“Hindi naman po naging kami ni Kira,” paglilinaw ni Kelvin.
“Wala po kaming naging relasyon ni Kira or ano. Para ma-clear lang po, hindi naman po naging kami.
“Nagkaroon lang ng… siguro dahil sa pagiging devoted namin sa project na ito, first kong pelikula ito na talagang bida ako sa romance.
“Yung huling pelikulang nagbida ako iyung Deadly Kidz, tapos yung After All. Hindi ko siya madya-justify dahil sa work.
“I mean, na-confuse talaga ako nung time na yun. Aminado naman ako.”
“Pero humanap ako ng way para hindi na siya maulit at malagay sa ganung klaseng sitwasyon.
“Yun lang po talaga yung closeness… sobrang pagiging close namin. Naging kumportable sa isa’t isa.
“Yun yung pinakamasasabi ko na totoo, naging kumportable kami sa isa’t isa,” dagdag ni Kelvin.
Parang nabalik na naman daw ang dati niyang naramdam nang bumalik ang alaalang ito.
Pero okay raw sila ni Kira at hindi naging problema ang isyung ito sa promo ng kanilang pelikula.
Sabi naman ni Kira, naging professional lang sila para pagtulungan nilang i-promote ang pelikulang ito.
“We’re okay. As colleagues, siyempre we both show up for work. I think I can say that we are both professional when it comes to our work.
“So no matter what happens, we both have to show up. And you know it’s a beautiful film and Direk Cathy (Camarillo), she gave her all for this movie.
“My God! She worked so hard for this. The whole production, they worked so hard for this. So, it’s only right that we show up for them as well,” saad ni Kira.
Friends naman daw sila ni Kelvin at wala raw problema sa kanilang trabaho.
“Oo naman po siyempre. I don’t think we could do this together kung hindi po kami friends, kung meron ano sa isa’t isa, mahirap po yun, di ba?” aniya pa.
***
NIÑO IBINENTA NG .5M KAY BOSS TOYO ANG FAMAS BEST CHILD ACTOR TROPHY
KUNG si Jiro Manio ay ibinenta kay Boss Toyo ang kanyang Urian Best Actor trophy para sa pelikula niya noong bata pa siya na Magnifico, ang dati ring child star na si Nino Muhlach ay ibinenta naman kay Boss Toyo ang kanyang FAMAS Best Child Actor trophy. O di ba, nagawang ibenta ng dalawang dating child actors ang kanila-kanilang acting trophies?
Pero ayon kay Boss Toyo, siya mismo ang kumontak kay Nino at nagtanong kung puwede ba niyang mabili ang isa sa mga trophy nito.
Kung mayroon daw kasi siyang gustong makuha at mai-display sa kanyang museum na FAMAS best child actor award ay nais niyang mula kay Nino. .
“Ang hirap presyuhan ng isang Niño Muhlach… priceless eh,” aniya.
P100,000 ang unang offer ni Boss Toyo kay Nino para sa trophy na natanggap nito noong 1977. Pero isa sa mga kasamang anak ni Muhlach ang humiling ng P500,000, na pumayag naman si Boss Toyo.
Ani Muhlach, nag-decide siyang ipaubaya kay Boss Toyo ang isa sa mga FAMAS trophy niya sa kondisyong i-restore at aalagaan ito.
“Kailangan alagaan niya at i-restore, at ilagay sa museum niya dahil hindi ko na naalagaan… ‘Yun ang deal namin,” wika ng aktor.