Advertisers
NAGKASUNDO ang mga senador na taasan ang funding para sa procurement, storage, at distribution ng bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ilalim ng panukalang P4.5-trillion 2021 budget.
Sa gitna nito, hindi pa naman makapagbigay si Senate President Vicente Sotto III ng specific amount na kanilang napagkasunduan para sa inoculation drive.
“Yes. I am not sure of the amount,” ani Sotto.
Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, na hinihintay pa nila ang iba’t ibang proposal mula sa mga senador, kasabay ng pagkumpirma sa naturang hakbang.
Nabatid na ang proposed funding para sa COVID-19 vaccination program na inilaan sa ilalim ng panukalang budget ng Department of Health (DOH) ay nasa P2.5 billion.
Una nang nanawagan ang ilang senador na taasan ang pondo para sa bakuna, gaya halimbawa sa mungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, na dagdagan pa ito ng P100 billion. (Mylene Alfonso)