Advertisers
Pina-iimbestigahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y wiretapping incident na kinasangkutan ng Chinese embassy dito sa Manila laban sa isang ranking official ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi ng Pangulo na kanila itong tinitignan ngayon lalo at nababanggit ang tape na nagkukumpirma na mayruong kasunduan.
Binigyang-diin ng Presidente na masyadong maaga pa para magbigay ng konklusyon at hanggat hindi niya narinig mismo ang nilalaman ng umano’y wiretapping conversation.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang nasabing tape ay nasa posesyon ng Chinese embassy, hanggat hindi nila ito inilalabas, mahirap na paniwalaan na mayruong kasunduan.
Binigyang-diin naman ng Pangulo na may kasulukayang polisiya ang gobyerno hingging sa wiretapping issue.
Ipinunto ni Marcos na very conscious ang gobyerno hinggil sa banta sa cybersecurity.
Sa ngayon mayruon ng ginagawang hakbang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Science and Technology (DOST) para palakasin pa ang cybersecurity ng bansa.
Ang hirap kasi sa mga plastic na tao na iba ang sinasabi sa ginagawa.
Napakarami tuloy multong kinakatakutan.
Ang malaking mali,isa sa most trusted man ni PBBM ang agad dumipensa at sinabing walang go signal ang Pangulo sa aksyong ginawa ni AFP chief of staff Gen.Romeo Brawner patungkol sa confidential & secret agreement with China.
Wala umanong alam dito si Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Kung di si PBBM ang nagbigay ng go signal ay sino nga ba?
Bobo ba itong si Brawner na basta na lamang magde- desisyon at papasok sa malaking alanganin.
Kung di pa na- wiretapped,di malalaman ng mga kababayan nating Pilipino na may secret deal pala sa bansang Tsina ang Marcos administration.
Di kaya si FL Liza Marcos ang nagbigay ng green light kay Brawner para magkaroon ng lihim na kasunduan sa China?
Nagtatanong lang po.
Hindi ba si FL Liza rin ang nagbigay ng entry pass sa sundalong kanin na si Antonio Trillanes na maging attack dog ng mga Marcos laban sa mga Duterte at sa pro China stance nito?
Kilalang mataas na opisyal ng Liberal Party ang naging tulay umano ni FL Liza at nitong ulol na si Trillanes.
Si Mar Roxas nga ba ang tinutukoy at si dating ES Paquito Ochoa?
Bakit biglang pumapel ang mga certified Dilawan sa Marcos administration?
Kaya gumegewang ang administrasyong ito ay dahil sa parating walang alam ang Pangulo sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
Delikado ito!
Hindi na rin malaman ng mga miyembro ng gabinete ni PBBM kung sino talaga ang kanilang boss.
Dati ang itinatahol nitong gagong si Trillanes ay si FPRRD ang mga lihim na kasunduan sa China until lumabas nga ang tungkol sa na- wiretapped na conversation nitong si Brawner.
Palala nang palala ang mga salto at sabit ng gobyernong ito.
Mula sa kontroversiyal na cocaine- use umano ng mismong si PBBM hanggang sa breach sa national security ng bansa.
Ano na ngayon ang magiging reaksyon ng bansang America sa
” WIRETAPPING” issue na ito.
Nabukayo tuloy ang pamamanka sa dalawang ilog ng Marcos administration.
Saan ba sila talaga kakampi,sa US o sa China?
At sa tuwing may sasambulat na kontrobersiya o salto,laging alibi ng mga aso ni PBBM ay walang alam ang punong ehekutibo!
Talaga namang walang alam kahit ano itong si BONGGET.
Jobless for the whole of his life maliban sa pagpasok sa pulitika at magmalatuba sa puwesto.
Sabi nga ni former Senator Nikki Coseteng,kabisadong kabisado nito ang likaw ng bituka nitong si Bongbong Marcos
Yung cocaine use ni Marcos Jr. ay alam naman ng lahat ng mga Pilipino lalo na ng mga taong mga kasabayang henerasyon nito.
Wala talagang bahong di sisingaw lalo na at sobra nang nangangalingasaw sa bantot.
Pag di na kayang i- deny at depensahan ng kanyang mga asong patay- gutom,dedmahin na lang.
Trabaho naman ng PCOO,busugin ang mga miyembro ng mainstream media para magkaroon ng news blackout.
Hanggang kailan iiral ang mga kabulukang ito?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com