Advertisers

Advertisers

Albie proud aminin, may baby na; Yen deserve na magbalik-showbiz ngayong hiwalay na kay Paolo 

0 8

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, ibinalita ni Ogie Diaz na may anak na si Albie Casino. May permiso naman si Albie na i-reveal ni Ogie ang pagkakaroon niya na ng anak.

Pa-blind item muna ang kuwento ni Ogie, tungkol sa isang aktor na kasama sa katatapos na online series na Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.



Lumipad daw patungong Amerika ang aktor para makita at makarga ang anak na isang sanggol na lalaki.

“Tumulak na patungong US ang young actor para makita’t mahawakan ang kanyang unang anak, ang kanyang baby boy,” simula ni Ogie.

“Kasi nga ang kanyang dyowa ay isang foreigner at nanganak na nu’ng April 30.  So, after nu’ng kanyang palabas (CBML) ay tumulak na siya pa-US.

“Para maramdaman niyang tatay na talaga siya dahil first time niyang makikita ‘yung kanyang anak,” aniya pa.

“Ano ang natapos niyang (aktor) project?” nagtatakang tanong ni Mama Loi.



“Yung Can’t Buy Me Love,” kaswal na sagot ni Ogie.

Hirit ni Dyosa Pockoh, “Si Donny Pangilinan may anak na, Tito Ogie?”

“Shhhh (‘wag maingay) hindi siya, OA kayo,” sagot nito.

Sabi ulit ni Dyosa, “Ay si Darren Espanto?”

Natawa na lang si Ogie, “Hindi! Kayo talaga!”

Binanggit ni Mama Loi ang pangalan ni, “Anthony Jennings?”

“May girlfriend si Anthony Jennings pero hindi naman ‘yun buntis,” saad ng talent manager at content creator.

Nabanggit ang mga pangalan ni Direk Rowell Santiago at ni Jake Ejercito na nagkataong nasa US ngayon para tuparin ang nasa bucket list niyang puntahan ang Yosemite National Park sa Sierra Nevada Mountains.

Madalas makita ang Yosemite bilang cover picture o background sa mga laptop at cellphone.

Going back sa aktor na may anak na, ang sabi ni Ogie, “Si Albie Casino. Proud siya! Sabi niya sa akin, ‘hintayin mo muna akong makaalis (pa-US bago ibalita) Tito Ogie. Ha-hahaha!”

“Pero proud siya at first apo ‘yan sa side ni Albie at first apo sa tuhod. At nakita ko napakaguwapo at hawig din kay Albie in fairness. Sobrang tuwang-tuwa si Albie hindi raw niya ma-contain ang kanyang nararamdamang saya.”

Sabay bati nina Mama Loi, Dyosa Pockoh at Ogie ng “congratulations” kay Albie ngayong isa na itong ganap na ama.

***

OPEN na ulit ang comment section ng Instagram account ni Yen Santos. Ikinatuwa ng mga netizen ang pagbukas ni Yen ng comment section niya.

Sa close selfie posting nito sa kanyang Instagram na may caption na “happy sun day”, makikitang maraming comment sa post nito. Dati ay restricted at wala ni isang reaksyon mula sa mga netizen.

Pero, niratrat si Paolo  Contis, na sey nila’y deserve raw nitong mahiwalayan ni Yen,  kung totoo man na hiwalay na nga ang dalawa. At wala namang pag-amin sa kanila na may relasyon sila.

Dahil lumayo si Yen sa showbiz mula nang ma-link kay Paolo, hinihikayat siya ng kanyang mga tagahanga  na bumalik na ito sa showbiz lalo na sa mga teleserye.

Oo nga naman, it’s about time na muling mapanood sa isang serye si Yen dahil in fairness, mahusay siyang artista. In fact, naging Best Actress na siya sa Urian dahil sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang A Far Away Land.

Ang huling serye na ginawa ni Yen ay ‘yung Halik, noon pang 2018, na pinagsamahan nila nina Yam Concepcion, Sam Milby at Jericho Rosales.