Advertisers

Advertisers

Kobe kapalit ni Mavy sa puso ni Kyline; Coco at Vhong magsasama sa proyekto

0 15

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ASAHAN na nga raw na bagong putahe ang pagsasama sa isang project nina Coco Martin at Vhong Navarro.

Ayon sa ating chika belle, kasado na  raw ang pagsasamahan ng dalawang bigatin na artista ng Kapamilya network.



May tanong ang netizens kung si Coco pa rin daw kaya ang mangasiwa sa pagdidirek ng pagsasamahan nila ni Vhong.

Abangers na din ang mga Maritess kung sino ang dapat na mauna sa billing at tiyak na may kanya kanyang reaksyon at komento ang bawa’t kampo.

Isang action comedy ang tema ng project nina sina Coco at Vhong.

Sey pa nga ng netizens na sila na nga raw ang pumalit kina Da King FPJ at King Of Comedy na si Dolphy although nandiyan pa si Bossing Vic Sotto.

Kaabang abang din kung sino ang magiging leady lady ng dalawang aktor.



***

IISA lang ang tanong ng netizens, kung nag date nga ba sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.

Sa IG kasi ni Kobe ay nagpost ito ng 2 glass of wine at bouquet of flowers sa isang table.

Same with Kyline na sa kanyang IG ay nagpost ito kung ano ang pinost ni Kobe sa kanyang IG account.

Kaya iisa ang tanong ng netizens,  nag date na sila or sila na.

Sa mga tanong naman sa posted pics ng dalawa ay iisa lang ang lugar at picture na ginamit.

No reply pa ang dalawa sa mga tanong ng netizens.

As in, dedma na napalitan na sa puso ni Kyline si Mavy Legaspi.

Well, well, well… ‘Yun na!