Advertisers

Advertisers

Giyera vs illegal logging at mining seryosohin

0 286

Advertisers

INANUNSYO ng Department of Interior and Local Government ang kanilang giyera laban sa illegal mining at logging sa buong bansa partikular sa mga lugar na lumulubog sa baha at putik tuwing umiiyak ng malakas ang kalangitan.

Seryosohin sana ni DILG Sec. Eduardo Año ang paha-yag niyang ito, hindi press release lang o hindi ningas-kugon lamang.

Ano na nga pala ang nangyari sa nationwide clearing operations sa mga bangketa ninyo, Sec. Año, Sir? Parang wala namang nabago sa mga kalye sa Metro Manila eh, doon parin ang mga illegal parking at obstructions.



Kala ba natin eh makakasuhan dito ang mga mayor na hindi nagpatupad sa clearing ops?

Anyway, dito muna tayo sa bagong kakaharaping gi-yera ni Sec. Ano na isang retired AFP Chief! Sana nga’y magamot niya ang stage 4 nang kanser ng illegal logging at mining na ugat ng malawakang pagbaha tulad ng nangyari sa lalawigan ng Rizal, Laguna, Marikina City sa Metro Manila, at sa mga probinsiya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay nitong mga nagdaang bagyo ng Quinta, Rolly at Ulysses.

Pero dapat kasali sa giyerang ito ni Sec. Ano ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil ang ahensiyang ito ang nag-aapruba sa pagmimina at pagpuputol ng mga puno.

Kaya nga ang kaagad inatasan dito ni Pangulong Rody Duterte para matigil itong illegal mining at logging ay si DENR Sec. Roy Cimatu na isa ring retired Army General.

Kung seseryosohin lang nina Sec. Año at Sec. Cimatu ang pakikidigma sa mga rapist na ito ng kalikasan tiyak na masusugpo nila. Political will ang kailangan dito. Dahil karamihan ng nasa likod ng illegal logging at mining ay government officials din.



Oo! Hindi magkakaroon ng malawakang mining, quarry at logging kung walang bendisyon o ‘di kasabwat ang mayor, gobernador, kongresista, at mga opisyal ng DENR. Mismo!

Kaya pag tinotoo nga ni Sec. Año ang kampanya niyang ito, siguradong walang makagagalaw na politiko, gayundin sa DENR kapag pinaimbestigahan ni Sec. Cimatu ang kanyang ilang opisyal na nakikipagsabwatan sa mga kumpanya ng pagmimina, quarry at logging.

Hindi sana ningas-cogon lang ito, Secs. Año at Cimatu, mga Sir.

Subaybayan!

***

PINUPURI natin itong si Police Colonel Robert Sales ng Manila Police District (MPD) PS-9 sa pagsugpo niya sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa kanyang nasasakupan partikular sa Leveriza na dating heaven ng mga tulak at adik.

Punung puno nga raw ngayon ng mga may kasong droga ang kulungan ng MPD PS-9.

Keep up the good work, Col. Sales, Sir!

***

ISANG concerned citizen ang nagbulong sa atin. Ginagawa raw motel ng isang opisyal ang QCPD PS-5 sa may Fairview.

Tuwing gabi raw ay isang opisyal dito ang sinusuplayan ng babae. Tsk tsk tsk…

Noong Nov. 17 naman isang preso ang sinampal at pinalo ni opisyal sa hindi malamang dahilan.

Abusado ang opisyal na ito. Dapat dito matapon sa rebel infested areas. Mismo!