Advertisers

Advertisers

Mayor Honey sa mga punong barangay, tumulong sa pagpapaliwanag sa mga qualified solo parents

0 12

Advertisers

NANAWAGAN si Mayor Honey Lacuna sa lahat ng punong barangay na tulungan ang pamahalaang lungsod na ipaliwanag sa kanilang nasasakupan na kwalipikado bilang solo parent.

Ang kahilingan ng lady mayor ay kasabay na rin ng nakatakdang payout ng monthly cash aid para sa solo parents ngayon June.

Nabatid, base na rin sa ulat ni Manila department of social welfare chief Re Fugoso, ay may mga nagki-claim na sila ay solo parents para makuha ang monetary assistance kahit na hindi na sila solo parents.



“Maaring makalusot kayo sa amin pero may mga ‘Maritess’ na kapitbahay kaya malalaman at malalaman din namin,” sabi ni Fugoso

Inireport ni Fugoso sa alkalde na may mga pagkakataon na ang mga nagki- claim ng allowances na hindi naman qualified ay magagalit pa sa kabila na hindi sila nagsasabi ng totoo.

Ayon kay Lacuna, ang solo parents ay ang mga nag-aalaga ng kanyang anak o mga anak na menor de edad.

Kapag ang parent ay nag-asawa na o may ka-live in na ang kanyang classification bilang solo parent ay hindi na applicable.

Umapela si Lacuna sa lahat ng hindi na mga solo parents na ibigay na ang kanilang slots sa mga tunay na sumusuporta sa kanyang anak o mga anak ng walang katuwang sa buhay o asawa.



Sa ilalim ng Manila local government’s social amelioration program, ang solo parents ay tumatanggap ng P500 monthly cash assistance mula sa lungsod. (ANDI GARCIA)