Advertisers
Natagpuan ang tatlong bangkay ng lalaki na mga biktima ng summary execution o salvage sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Rizal.
Sa report ng Rizal Police Provincial Office, 4:00 ng madaling araw noong Huwebes nang matagpuan ang unang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki sa MH Del Pilar St., sa Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal.
Ayon sa ulat, napadaan sa lugar ang bus driver na si Benjamin Dy, nang makita ang bangkay na nakasilid sa isang itim na garbage bag at iniwan sa gilid ng kalsada. Agad niya itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.
Sa imbestigasyon, natuklasang nakatali ang mga kamay at paa ng duguang biktima.
Samantala, 11:30 ng gabi noong rin nang matagpuan ang dalawa pang bangkay ng lalaki sa May Puso Ave., Brgy. Kalayaan, Angono, Rizal. Isang concerned citizen na pauwi na ang nakakita sa dalawang bangkay sa gilid ng kalsada na may mga tama ng bala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan. Agad itong ini-report sa pulisya upang maimbestigahan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga insidente upang matukoy ang mga nasa likod ng krimen at matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.