Advertisers
NAARESTO ang magkapatid na drug peddler sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Kinilala ni Datu Odin Sinsuat municipal police station commander Lt. Colonel Sahibon Mamantal ang mga suspect na sina Monzor Talusan, 34; at kapatid nito na si Wuji, 19-anyos, parehong taga Barangay Tambak, Sultan Kudarat.
Nagbenta ang dalawa ng shabu sa isang police undercover agent sa public market ng bayan kayat agad silang inaresto ng mga tauhan ng municipal at provincial drug enforcement units alas 5 nitong sabado.
Nakuha sa kanila ang anim na malalaking sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million.
Inihahanda na ng PNP ang kaso laban sa dalawa na ngayon nakapiit sa DOS municipal police station detention facility.